Kim Chiu, JM De Guzman at Tony Labrusca magsasama para sa isang horror film

| | ,

Sa unang pagkakataon magsasama sina Kim Chiu, JM De Guzman at Tony Labrusca sa isang Filipino remake horror film. Ang nasabing horror film ay pinamagatang “U Turn” na isang Indian box office hit na ipinalabas noong taong 2016. Ayon sa magiging director nito na si Derick Cabrido, na siya ring naging direktor ng award-winning na Clarita kung saan pinagbidahan naman ito ni Jodi Sta. Maria, na sya mismo ang pumili kina Kim, JM at Tony para sa Pinoy adaptation.

Sa ginanap na story conference nitong Huwebes, Desyembe 5, ipinahayag ni Derick na hindi ito basta horror film kung saan matatakot lang ang mga manunuod, may mga mapupulot na moral story at very informative ang pelikulang ito. Masaya naman at nananabik si Kim, JM at Tony sa paparating na proyekto. Matatandaang ang huling pelikulang kakatakutan na pinagbidahan ni Kim ay ang “Ghost Bride” noong 2017. Ayon kay Kim, “Masaya ako na pinagkakatiwalaan ako sa mga horror films. It’s really out of my comfort zone kasi in real life, ayoko talaga sa multo pero sinunundan talaga nila ako sa movie,” at masaya ang Kapamilya star dahil isang award-winning na direktor ang kanyang makakatrabaho, sinabi pa nyang “looking forward” siya sa mga mangyayari. Ito ang unang beses na makakasama niya si Tony at JM kaya naman pinaghahandaan nya ang kanyang karakter.

Samantala, si Tony naman ay hindi makapaniwala na siya ang gaganap sa pelikula, “At first, I was very honest with direk, like, ‘Are you sure you want me?’ Kasi I mean I believe in you guys but I’m not sure if I necessarily believe in myself yet,” pahayag ng binate sa interbyu. Ayon naman kay JM, “I feel blessed na makakasama ako dito. Na-overwhelm ako and excited. Siguro gusto ko lang muna mag-focus sa role na binigay sa akin.”

Ang pelikulang “U Turn” ay nagkaron na ng dalawang bersyon, ang una ay sa lengwahe ng Malayalam at ang pangalawa ay sa Tamil-Telugu na lengwahe. Ang Pinoy adaptation ng pelikula ay sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, gayunpaman wala pang pahayag kung kalian ipapalabas ang nasabing pelikula.

Previous

Finding Mushu — Everyone Can’t Stop But Wish The Animated Movie’s Original Dragon Was Kept In The Live Action

LOOK! Dior Runway Designed by Surfer Artist Shawn Stussy Looks Like a Psychedelic Barrel of Wave

Next