Now Reading
Kim Chiu, may Bagong Produktong Ineenderso: Alamin Kung Ano ito

Kim Chiu, may Bagong Produktong Ineenderso: Alamin Kung Ano ito

Si Kim Chiu ang dalawampu’t siyam na taong gulang aktres, TV host, singer, at recording artist na may lahing intsik. Siya ang tinaguriang “Dance Diva” o “Queen of Drama movies and teleseryes” sa kasalukuyan. Nagsimula ang karera ni Kim sa larangan ng showbiz sa murang edad na labinganim na taon nang manalo ito sa kauna-unahang teen edition ng sikat na reality show sa ABS-CBN na “Pinoy Big Brother”. Mula noon, naging tampok na siya sa ilang teleserye tulad ng “Sana Maulit Muli”, “My Girl”, “Tayong Dalawa”, “Kung Tayo’y Magkakalayo”, “My Binondo Girl”, “Ina, Kapatid, Anak”, “The Story of Us”, at “Ikaw Lang ang Iibigin”. Dahil sa taglay na galing ni Kim sa pag-arte, pinarangalan siya bilang “Best Drama Actress” ng PMPC at apat na beses siyang na-nominate sa FAMAS.

Ang pinakabagong produkto na ineenderso ni Kim Chiu sa kasalukuyan ay ang shampoo at conditioner na Nature’s Way Aloe Vera System na gawa ng Personal Collection Direct Selling, Inc. (PCDSI). Ito ay pormal na inanunsyo ng PCDSI mismo noong ika-labinganim ng Agosto sa isang kaganapan na pinamagatang “Born to Shine”. Si Kim ang napili ng PCDSI na modelo dahil umano sa natural na ganda nito na maihahalintulad sa “aloe vera”. Swak na swak ang ganda ng buhok ni Kim para magsilbing tagapag-endorso ng nasabing produkto ng buhok. Sinabi ni Kim ang halaga ng pagkakaroon ng magandang buhok dahil dito raw nakasalalay ang iyong kumpyansa sa sarili. Ani niya, kung hindi ka masaya sa iyong buhok, malaki ang tsansa na hindi ka rin kumpiyansa.

Ayon sa Senior Brand Manager ng Nature’s Way Aloe Vera System, mahalaga ang pagpili ng magiging mukha ng isang produkto dahil sinasalamin nito ang kalidad di lamang ng produkto kundi pati na rin ang tatak na may gawa nito. Inilarawan rin nito ang paghanga at pagka-proud nila kay Kim at ikinagagalak nila na kabilang na si Kim sa Nature’s Way family.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top