Kung sa Tingin Mo ay Baduy at Hindi Bagay Sa’yo ang Neon, Nagkakamali Ka

| | , ,

Pagdating sa mga pinakakontrobersyal na usong damit, ang kulay na neon ay una sa listahan. Ang kakaibang kulay na ito ay nakatakdang maging numero uno sa Style Bible ngayong 2019. Panahon na para ibaon sa ilalim ng iyong aparador ang mga damit na mayroong madidilim na kulay at ilabas ang masisiglang kulay dahil muli itong nagbabalik sa uso. Kasalukuyang namamayagpag ang neon na mga damit sa social media gaya ng Facebook at Instagram kaya naman oras na para i-update ang iyong istilo sa masisiglang kulay na ito. Kailan nagsimula ang neon na pananamit?

View this post on Instagram

Festival outfit- neon vibes 🤩

A post shared by Fashion, Beauty, Travel (@andrijanaukm) on

Ang mga neon na damit ay nagsimula noong 1980s kung saan karaniwan itong makikita sa mga pantaas, medyas, at pantalon. Ngayong 2019, ang neon ay kadalasang nasa mga sapatos, underwear, bag, at maging sa mga alahas.

Source: Google

Paano ito nagbalik sa uso?

Ano pa nga ba ang pinakamabisang paraan para maging kapansin-pansin kundi magsuot ng nakakabulag na mga kulay neon. Sa katunayan, ang mga sikat na designer brands gaya ng Prada at Gucci ay kamakailan lamang na naglabas ng mga bagong damit na may ganitong kulay. Mapa-pink, bright green, orange o yellow green – ang pagsuot ng neon ay isang paraan upang magpahiwatig ng kumpiyansa sa sarili. Imposibleng hindi ka mapansin kapag pumasok ka sa isang kwarto na nakasuot ng neon green.

Paano magdamit gamit ang kulay na ito?

Marahil ay iniisip mong mahirap bumagay ang neon sa iyo dahil sa kulay ng iyong balat, kaya naman nandito ang SHY Philippines para sumaklolo! Ang pagsuot ng neon na mga damit ay hindi kasing hirap ng inaakala ninyo. Simple lang ang palatuntunan sa kulay na ito: pumili ng isang pirasong damit o accessory na kulay neon imbis na sabay-sabay itong isuot. Halimbawa, ipares ang kulay neon green na clutch bag o sombrero kasama ang itim na bistida. Ang kulay na ito ay hindi para sa mga walang lakas ng loob at kumpiyansa sa pagdadala ng sarili kaya naman kung mais mong maging pinakamakinang na bituin ngaong 2019, simulan mo nang magsuot ng neon! Narito ang ilang neon OOTD na maaari mong pagkuhanan ng inspirasyon.

Neon green dress

Source: Google

Si Kim Kardashian ay isang testamento na ang pagsuot ng neon ay hindi kailangang maging baduy o masagwa. Sa katunayan, ito ay elegante at sosyal sa paningin gaya ng neon green na bistidang suot niya sa larawang ito na sinabayan niya ng metallic na sunglasses. Kapansin pansin na wala siyang suot na iba pang alahas o dalang bag kaya hindi “over” tignan.

Neon pink cardigan

Source: Google

Dahil malapit na ang panahon ng tag-ulan, siguradong kakailanganin ninyo ang neon pink na cardigan tulad nito. Isabay ito sa itim na shorts at itim na boots para sa magandang balanse ng mga kulay.

Neon green belt

Source: Google

Sinong may sabi na hindi ka maaaring magsuot ng neon sa mga importanteng okasyon gaya ng job interview? Ang neon na belt gaya nito ay siguradong magdadala ng kumpiyansa sa iyong sarili na magdudulot ng magandang first impression.

Neon green mini skirt

Source: Google

May ka-date ka ba? Heto na ang outfit na para sa iyo! Imposibleng hindi mapanganga ang ka-date mo kapag ganito ang suot mo! Bukod sa sexy at makulay, hindi baduy tignan ang neon green mini skirt na ito, lalo na’t kapag itinerno sa black and white striped top. Kapansin-pansin na ang mga accessories na pinares sa kasuotang ito ay itim: clutch bag, open toe sandals, belt, at kwintas. Ito ay sinadya upang hindi masakit sa mata ang kabuuang pananamit.

Neon swimsuit

Source: Google

Imposibleng hindi ka mapansin sa beach pag naka-neon orange at pink swimsuit ka! Ang kombinasyon na dalawang kulay na ito ay sadyang masigla at kaaya-aya. Boracay, Siargao, Palawan, Batangas, o Mindoro: siguradong mas sikat ka pa sa araw pag ito ang outfit mo!

Previous

Pag-ibig Nga Naman: Tingnan ang Pagyayakapan nina Blake Lively at Ryan Reynolds sa Shooting ng Pelikulang “Free Guy”

Paalam, Taghiyawat! Alamin ang Mga Natural na Lunas Laban sa Taghiyawat na Hindi Masakit sa Bulsa

Next