Kylie Padilla isinilang na ang kanilang pangalawang anak na si Axl Romeo Abrenica

| |

Nanganak na ang aktres na si Kylie Padilla asawa ng actor na si Aljur Abrenica at anak ng beteranong actor na si Robin Padilla. Ipinanganak ang kanilang pangalawang anak na lalaki noong Disyembre 9, 2019 sa oras na 5:35 ng umaga pinangalanan nila ang kanilang baby boy na si Axl Romeo Abrenica. Masayang ibinahagi naman ng aktres na si Kylie ang pangyayaring ito sa kanyang Instagram post kung saan kanyang sinabi, “December 9, 5:35 am. Axl Romeo Abrenica came into our lives. He is loved, he is cherished and he has one strong suck just like his Kuya.” Makikita sa larawan na hawak ni baby Axl ang daliri ng kanyang ina na si Kylie.

Nagpaabot ng pagbati ang mga malalapit na kaibigan nila Aljur at Kylie sa anunsyong ito.
Ang kuya naman ni baby Axl na si Alas ang nagsilbing bantay sa kanyang mommy habang siya ay nasa ospital. Si Alas Joaquin ay ipinanganak noong Agosto 4 taong 2016 at kasalukuyang 2 taon na. Ikinasal naman sina Kylie at Aljur noong Desyembre 11 taong 2018. At kalaunay kumalat ang balita na si Kylie ay nagdadalang tao sa kanilang panagalawang anak. Sa tulong ng kanilang vlog sa YouTube channel ni Kylie para sa pangalawang kaarawan ni Alas, inanunsyo nilang mag-asawa na lalake ang kasarian ng inaasahang bagong miyembro ng pamilya. Marami ang natuwa at nanabik sa anunsyong ito.

View this post on Instagram

Family. 🥀

A post shared by 🌙 (@kylienicolepadilla) on

Kasunod naman ng anunsyong ito ang mga nakakatuwang larawan ni Kylie kasama sina Alas at Aljur sa kanyang mga maternity shoot.

Sa kasalukuyan, nakatuon ang pansin at panahon ng aktres na si Kylie Padilla sa kanyang mga anak at asawa, habang si Aljur naman ay abala bilang lead star sa ABS-CBN teleserye na pinamagatang ‘Sandugo” kung saan kasama niya sa palabas na ito sina Ejay Falcon, Ariel Rivera, Vina Morales, Cherry Pie Picache, Jessy Mendiola, Elisse Joson at Gardo Versoza.

Congratulations Kylie at Aljur sa isang magandang regalo ngayong papalapit na pasko.

Previous

Catriona Gray Unveils the Story Behind the Stunning Piece of Jewelry She Wore on Her Hand

Learn Good Life Lessons On Finance With Ashley Tisdale’s Hilarious Cosmpolitan Expensive Taste Test

Next