Now Reading
Lip Liner And Sidekick Sa Paborito Nating Lipstick

Lip Liner And Sidekick Sa Paborito Nating Lipstick

Isa ang lip liner sa mga makeup products na madalas ay hindi natin binibili dahil iniisip natin na wala naman itong tulong o magagawa sa ating labi o inuulit lang din naman ito nag proseso sa paglalagay ng lipstick. Pwes, mga ka-SHY ibibigay naming sa iyo ang mga dahilan kung bakit kailangan mo ng lip liner at mga tamang paraan na paggamit nito. Napakaraming benepisyo ang ating makukuha sa lip liner, ito ang tinatawag nating sidekick sa ating paboritong lipstick.

View this post on Instagram

Berry lips. 🍓💋

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Nakakadagdag ito ng depenisyon sa ating labi. Para sa mga may maninipis na labi, magiging bestfriend nyo ang lip liner, sa paggamit nito mas binibigyang dimensyon nyo nag inyong labi at mas nagmumukha itong pouty. Hindi mon a kailangan pang magsagawa ng mga operasyon o magpaturok para maging pouty ang iyong labi. Para ma-achieve ito gumamit lang nga lip liner na mas dark ang kulay kaysa sa gagamiting kulay ng lipstick at siguradong magbibigay ito ng natural na pout lips.

Nagsisilbi itong primer sa ating labi. Ang paglalagay ng linya gamit ang lip liner sa mga edges ng labi, sa bow at sa buong lips. Nakakatulong ang lip liner para lumabs ang totoong kulay ng ating paboritong lipstick na gagamitin.

Tinutulungan nito nag lipstick na maging mas matagal sa ating labi. Kung ikaw ay mahilig sa darker color ng lipstick at nagkakaproblema ka dahil hindi ito nagtatagal lip liner ang solusyon. Ang paglalagay ng lip liner sa labi bago ang lip gloss o lipstick ay nagsisilbing kapitan o base ng lipstick kung saan mas pinapatagal nito ang kulay sa ating labi kapag naglagay na tayo ng lipstick.

See Also

View this post on Instagram

By @lenkalul 💄👄 .

A post shared by Lusiyana Kosmetik (@lusiyana_kosmetik) on

Lip liner is lip liner. May mga produkto ng lip liner na mas may makakapal na itsura, ang ganitong klaseng mga produkto ay maari mong i-blend sa iyong labi ay viola! mayroon ka nang long wearing na lipstick. Marami naring kulay ng lip liner ang maaring mong subukan, oh diba makakatipid ka din sa lipstick.

Kaya huwag matakot gumamit at subukan ang lip liner mga ka-SHY dahil ito ang iyong bestfriend para lalo pang maging kaaya-aya ang iyong itsura!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top