Now Reading
Lovi Poe, Tumira sa Amerika ng Anim na Buwan at Nakatagpo ng Pag-ibig

Lovi Poe, Tumira sa Amerika ng Anim na Buwan at Nakatagpo ng Pag-ibig

Si Lovi Poe ang anak ng yumaong aksyon star na si Fernando Poe Jr. Siya ay isang aktres, modelo at recording artist na nanalo bilang “Best Actress” sa Cinemalaya Independent Film Festival noong taong 2010 para sa pelikula niyang “Mayohan” at sa FAMAS para sa pelikulang “Sagrada Familia”.

Mega


Dahil sa kaliwa’t kanan na shooting at endorsements, aminado si Lovi na nakakapagod rin ang trabaho bilang artista. Nais niyang makapagbakasyon dahil sa tingin niya ay mas lalo niyang mapapaigi ang kanyang pag-arte kung magpapahinga muna. Nagdesisyon siyang tumigil sa Amerika kung saan tumira siya ng anim na buwan. Ani niya, marami siyang natutunan sa loob ng anim na buwang iyon – magluto, maglaba, at maging magmaneho para sa kanyang sarili. Sa maikling panahon na paglagi niya sa Amerika, nakatagpo si Lovi ng pag-ibig. Inamin niya na masayang masaya siya ngayon kahit na kasalukuyan silang “LDR” o “long distance relationship” ng kanyang nobyo. Ngayong siya ay nakabalik na, lubos niyang ikinagagalak na muling makita ang kanyang mga kaibigan at pamilya.

abante

Nagpapasalamat si Lovi sa GMA dahil pinayagan siyang magpahinga ng ganoon katagal upang hanapin muli ang kanyang sarili. Sa katunayan, mayroon siyang dalawang proyekto sa ilalim ng Regal Entertainment and Viva Films. Kasalukuyan siyang nag-sho-shooting kasama si Joen Bascon para sa “The Annulment”. Samantala, si Marco Gumabao at Tony Labrusca naman ang kasama niya sa pelikulang “In Between Goodbyes”.

See Also

Si Lovi Poe ay kasalukuyang nasa Canada dahil siya ang napiling artista na ipadala ng GMA Pinoy TV para sa “The Fiesta Filipino” sa Calgary Olympoc Plaza sa Sabado at “Food Trip 2019” sa Tyndall Park Community Center sa Winnipeg sa Linggo. Mag-peperform si Lovi sa ilang mga show doon at makikipagsalamuha sa mga kababayan natin na doon nakatira. Para kay Lovi, mas malalim ang halaga ng kanyang pag-perform sa ibang bansa para sa mga kapwa niya Pilipino dahil siya mismo ay tumira ng ilang buwan sa dayuhang bansa at alam niya ang pakiramdam na ma-homesick.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top