Now Reading
Madaling Mag-diet at Magpapayat Kapag Uminom ka ng mga Smoothie na Ito!

Madaling Mag-diet at Magpapayat Kapag Uminom ka ng mga Smoothie na Ito!

Ang “smoothie” ay isang uri ng “shake” na gawa sa katas ng dinurog na prutas at gulay. Minsan, hinahaluan rin ito ng “protein powder” para sa dagdag na sustansya. Dahil sa samu’t saring bitamina at nutrisyon na maaaring makuha rito, ang mga smoothie ay pinaniniwalaang nakakalinis ng katawan at isa ito sa mga iniinom ng mga kilalang artista para sa pagpapapayat at pagpapanatili ng kanilang mga magagandang katawan.

Prutas, gulay, mani, protein powder, matcha, acai, spirulina, turmeric, cacao, coconut, at granola – ilan lamang ito sa listahan ng mga sangkap na maaari mong ilagay sa iyong smoothie. Ang mga sangkap na ito ay mayaman sa antioxidant at anti-inflammatory properties na makakapabigay lakas sa iyong pangagatawan. Tandaan, ang susi para maging masustansya ang iyong smoothie ay ang pagbalanse ng mga sangkap nito lalong lalo na ang prutas, gulay, protina, at taba. Ang protina ay maaaring mang galing sa chia o flax seeds habang ang taba naman ay mula sa peanut butter, coconut meat, yogurt, o gatas.

Narito na ang ilan sa mga “do it yourself” at abot-kayang smoothie recipes na maaari ninyong gawin sa bahay para maging sexy!

Strawberry Swing Smoothie

Itsura pa lang ng smoothie na ito ay talagang nakakatakam na!

Paano ito gawin:

Maglagay ng:

Walong frozen strawberries,

Kalahating tasa ng plain yogurt,

At kalahating tasa ng ginadgad na coconut sa isang blender.

Maaari mo itong dagdagan ng:

Dalawang kutsarang rolled oats,

Protein powder, o cinnamon, depende sa iyong nais.

I-blend ang lahat ng sangkap hanggang maging smoothie ito.

Green Smoothie

Sadyang nakaka engganyo magpapayat kapag ganito ang itsura ng mga iinumin mo.

Paano ito gawin:

Maglagay ng:

Kalahating tasa ng frozen kale,

Frozen pineapple,

At plain yougurt sa blender.

Dagdagan ito ng ¼ tasa ng tubig.

I-blend ng maigi hanggang maging smoothie.

Maaari mo itong dagdagan ng isang kurot ng paminta kung nais mo ng kaunting “twist”.

Frozen Mango Smoothie

Gawing makulay ang araw sa pamamagitan ng pag-inom ng mango smoothie na ito.

Paano ito gawin:

Maglagay ng walong frozen na mangga sa blender.

Dagdagan ito ng kalahating tasa ng coconut milk.

See Also

At isang kutsarang chia seeds.

I-blend hanggang maging smoothie.

Maaari kang maglagay ng nutmeg at dalawang kutsarang ginadgad na buko kung nais mong dagdagan ng “sipa” ang smoothie na ito.

Bananarama Smoothie

Source: Pinterest

Bukod sa masustansya, masarap rin ang smoothie na ito.

Paano ito gawin: Balatan ang isang piraso ng frozen na saging at ilagay ito sa blender kasama ng dalawang kutsarang peanut butter at dalawang kutsarang cacao powder.

via GIPHY

Dito ng 1/3 tasa ng tubig bago i-blend. Pwede mo itong dagdagan ng protein powder at almonds depende sa iyong nais na lasa.

Bell Pepper Orange Smoothie

Huwag palampasin ang smoothie na ito!

Paano ito gawin:

Hiwain sa apat ang isang pulang bell pepper at tanggalin ang mga buto nito.

Balatan ang isang ponkan at ilagay ito kasama ng bell pepper sa loob ng blender.

Dagdagan ito ng isang kutsarang coconut oil at isang kurot ng cinnamon. I-blend ng maigi hanggang maging smoothie.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top