Mag-Enjoy sa Tag-araw Gamit Ang Mga #MakeupHacks Na Ito

| | ,

Isa ang makeup sa hindi pwedeng mawala sa ating mga kababaihan sa tuwing tayo ay lalabas o kahit minsan ay nasa bahay lang dahil sabi nga ni Ms. Heart Evangelista “do what you feel that is good for you.” At dahil likas na mahilig tayong mga babae sa makeup, isa sa mga problema na kinakaharap natin ay ang mainit na panahon, tama mainit na panahon, ang araw! Lalong lalo na at tayo ay nakatira sa isang Tropical country, na madalas ay talagang mainit ang panahon. At dahil dito, nariyan ang nalulusaw ang makeup o kaya ay andyan ang paulit-ulit nating pagtingin at paglalagay ng makeup products upang ma-maintain lang ang ating kaaya-ayang istura, hassle diba? At kung lahat ng nabanggit ay naranasan mo na, ibibigay naming sa iyo ngayon dito sa SHY ang iba’t-ibang paraan o makeup hacks na dapat mong gawin o subukan upang mabawasan ang iyong pagaalala sa tuwing iinit ang panahon.

Makeup Hack #1

Pumili ng oil-free moisturizer bago maglagay ng foundation. Mainam ang oil-free moisturizer upang hindi ito magkaron ng reaksyon kapag nainitan ng araw ay maiiwasan din maging oily ang iyong mukha kung sakali mang pagpawisan o magbabad sa ilalim ng araw.

Makeup Hack #2

Huwag kalimutang maglagay ng sunscreen, ang number one rule bago lumabas ng bahay.Nakakatulong ang sunscreen na protektahan ang iyong balat mula sa mapaminsalang epekto ng radiation nito. Icheck ng Mabuti ang mga makeup products na iyong bibilhin o meron ka kung eto ba ay may content na SPF. Pwede gawing alternatibo ang mga ito kung sakaling wala kag sunscreen. Maaring ialagay ang sunscreen kasabay ng paglalagay ng foundation sa iyong mukha upang mas magblend at ma-absorb ng balat ang sunscreen.

Makeup Hack #3

Isa sa mga paraan upang magtagal ang makeup ay ang paggamit ng mga waterproof makeup products. Kagay na lamang ng mascara, lipstick, foundation at maging eyeshadow. Dahil long lasting, wearing at waterproof ang mga makeup products na gamit mo ay masisiguradong hindi ito agad-agad na malulusaw mapatubig man o magbabad ka man sa ilalim ng araw.

Makeup Hack #4

Cream eyeshadow ang magiging best friend mo sa tag araw! Mainam na gumamit ng creamy eyeshadow kaysa ang mga powder dahil sa mas madikit ito sa balat at hindi agad-agad natatanggal. Pawisan ka man o nakatutok sa arawan ay hindi basta-basta matatanggal ang cream eyeshadow.

Makeup Hack #5

Less is more, iyan ang pamantayan ng iba. Iwasan muna ang paggamit ng highlighter at subukan ang dewy look! Kung saan ang ay mas konting makeup product ang iyong gagamitin. Dahil sa init ng araw magiging oily ang dating ng paggamit ng highlighter samantalang sa dewy look ay natural beauty ang iyong dating. Gumamit lang ng nauusong blotting paper upang matanggal ang mga excess oil at maayos ulit ang iyong look at siguradong hindi ka na mangangamba kung lusaw na ba ang iyong makeup.

Makeup Hack #6

Gamitin ang power ng setting spray! Maginvest sa mga dekalidad na setting spray at dahil ito ang huling step para sa iyong makeup routine, nakkatulong ito upang magtagal ang makeup products na iyong ginamit sa buong araw na hindi makakapagdulot ng oiliness at shiny sa buong maghapon.

Subukan na ang mga makeup hacks na ito at siguradong mapapa #ilovethesun ka sa long wearing at long lasting look mo!

Previous

Hindi Mo Dapat Palampasin Ang Disney’s The Lion King at Pandora Collection Na Ito

Back To School: Easy Hairstyles To Wear To Nail The Day

Next