Maging #GlitzAndGlamour Sa Perfect Glitter Eyeshadow Products Na Ito

| | ,

Mahilig ka ba sa glitz ang glamour look? Fan ka ba ng mga makikinang na eyeshadow? Tamang-tama, dahil dito sa SHY bibigyan namin kayo ng mga perfect glitter eyeshadow na pwede mong isuot sa kahit anong okasyon. Kaya’t ihanda ang iyong sarili sa glitz at maging glamorous sa mga glitter eyeshadow look na ito!

Stlia Glitter Eyeshadow.

View this post on Instagram

#stilaglittereyeshadow #thanks #mycousin

A post shared by Lauresha Bajrami💄 (@lauresha_v) on

Masdan ang neutral glitter shades ng eyeshadow ng Stila! Isa sa mga magandang komento ng produkto ay tungkol sa madaling pagtuyo nito at pagkalagay ng makintab na finish look nito.

Revlon Photoready Eye Art.

Kung nais mo naman ng mas intense ang glitter eyeshadow mo, maari mong subukan ang Revlon Photoready Eye Art. Meron itong cream shadow sa isang tube at glitter gel sa kabilang tube na perfect combination! At dahil long lasting ang produkto na ito, tamang-tama ito sa iyong office look hanggang sa night party look mo!

Scattered Light Glitter Eyeshadow ng Hourglass Cosmetics.

Masisigurado ng produktong ito ang high impact glitter eyeshadow look mo! Dahil sa cream at powder combination ng produktong ito, hindi ka mahihirapan na i-blend ito sa ibang kulay ng eyeshadow na nais mong gamitin na bagay sa pang araw-araw mong look!

Nars Duo Eyeshadow.

Subukan ang Nars Duo glitter eyeshadow na may perfect hue at i-blend para sa neutral glitter look na bagay sa pang araw-araw na itsura mapa-opisina man o maging sa school.

Marc Jacobs Beauty See-quins Glam Glitter Eyeshadow.

Hindi lang isang glitter eyeshadow ang produktong ito, mayroon din itong kasamang sequin na siyang mas nakakapagbigay buhay at kinang sa iyong mga mata. Huwag mag-alala dahil super safe ang produkto at sa neutral na kulay at blend nito sa iyong balat ay siguradong aaraw-arawin mo ang paggamit dito.

Kaya’t ano pang hinihintay niyo mga ka-SHY? Subukan na ang mga produktong ito at siguradong ma-aachieve niyo na ang #GLITZandGLAMOUR look na matagal niyo nang hinihintay!

Previous

Madaling Mag-diet at Magpapayat Kapag Uminom ka ng mga Smoothie na Ito!

Disney’s Descendants Honors Cameron Boyce’s Death By Cancelling An Important Event

Next