Now Reading
Magkakaroon ng Bagong Teleserye sina Liza Soberano at Enrique Gil at Dapat N’yo itong Abangan!

Magkakaroon ng Bagong Teleserye sina Liza Soberano at Enrique Gil at Dapat N’yo itong Abangan!

Source: Google

May paparating na bagong teleserye sina Liza Soberano at Enrique Gil at dapat n’yo itong abangan! Sa isang panayam sa dalawa, sinabi ni Enrique Gil na nagsisimula na silang maghanda sa nalalapit nilang teleserye sa ABS-CBN ni Liza Soberano. “Preparations na po sa bagong teleserye” ang mga katagang binanggit mismo ni Liza pagkatapos daluhan ang story conference para sa bagong teleserye kasama si Enrique. Sabi naman ni Quen ay labis nilang ikinasasabik ang nalalapit na palabas kaya walang dapat ipag-alala ang kanilang mga fans dahil malapit na ulit silang mapanood ng mga ito sa telebisyon. Binahagi rin nilang dalawa na iba ang karakter na matutunghayan sa bagong palabas dahil mas “spunky” umano si Liza dito habang mas “sexy” naman si Quen.

Source: Google

Nag-iwan din ng mensahe si Quen sa kanilang mga fans at sinabing huwag maging malungkot ang kanilang mga fans dahil masaya at in love sila ni Liza sa isa’t isa. Ani niya, araw araw nilang iniisip ang kanilang mga fans at mahal na mahal nila ang mga ito. Bukod sa nalalapit na teleserye, may bagong proyektong pelikula rin ang LizQuen.

Source: Google

Nagsimula ang tagumpay ng “LizQuen” noong taong 2014 dahil sa teleserye nila na “Forevermore”. Sa loob ng pitong buwan, kung saan patuloy itong nakakakuha ng mataas na ratings. Dahil rito, ilang pelikula ang naging proyekto ng dalawa. Una ay ang “Just The Way You Are” noong taong 2015 na batay sa nobelang “The Bet” ng “Wattpad”. Ang ikaliwa nilang pelikula ay ang “Everyday, I love you” kung saan kasama nila ang sikat na artista na si Gerald Anderson.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top