Now Reading
Magkakaroon ng Pelikula ang Paborito Nating “Theatre Musical” na CATS at Maaari mong Panoorin ang Trailer nito Dito!

Magkakaroon ng Pelikula ang Paborito Nating “Theatre Musical” na CATS at Maaari mong Panoorin ang Trailer nito Dito!

Mahilig ba kayo sa teatro? Napapakanta ba kayo tuwing nakakarinig ng mga kanta na pang-musical? Ang “musical theater” ay isang “live” na pagtatanghal kung saan pinaghahalo ang ilang kanta, dayalogo, pag-arte, at pagsayaw. Karaniwan itong may emsoyonal na storya at ang pagsasadula ng mga artistang tampok rito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkanta, pakikipag-usap, o paggalaw. Ilang sikat na halimbawa ng mga “musical” ay ang “Phantom of the Opera”, “Wicked”, “Rent”, at “Les Miserables”. Tinatanghal ang mg aito sa iba’t ibang sulok ng mundo gaya ng “Broadway”.

Isa sa mga kilala at paborito ng lahat na “musical” ay ang “Cats”. Ito ay isinulat ni Andrew Lloyd Webber batay sa libro ni T. S. Eliot na pinamagatang “Old Possum’s Book of Practical Cats”. Una itong tinangal noong taong 1981 at nanalo ito ng ilang parangal. Noong taong 2012, kinilala ito bilang isang “megamusical” dahil umani ito ng bilyon-bilyong dolyar mula sa pagtatanghal nito sa palibot ng daigdig.

Kaya para sa mga panatiko ng “musical” at ng “Cats”, mayroon kaming hatid na magandang balita sa inyo! Kamakailang lamang ay inilabas ang trailer ng Cats sa ilalim ng direksyon ni Tom Hooper, na siya ring director ng pelikulang Les Miserables. Samu’t saring sikat na artista sa Hollywood ang tampok sa pelikulang ito gaya nina Taylor Swift, Idris Elba, Rebel Wilson, Judi Dench, Ian McKellen, James Corden, Jennifer Hudson, Jason Derulo, Steven McRae, Robert Fairchild, at Laurie Davidson.

See Also

Ang kwento ng “Cats” ay umiikot sa isang tapunan ng basura sa loob ng isang gabi kung saan nagtipon-tipon ang ilang pusa upang pagdesisyunan kung sino sa kanila ang nararapat na pumunta sa langit para mag-reincarnate o muling mabuhay bilang mas bata at mas magandang pusa. Ilang magagandang kanta ang tampok rito kaya dapat lang itong abangan! Ang pelikulang “Cats” ay lalabas sa mga sinehan sa Disyembre 20 ngayong taon – tamang tama para sa iyong “date” ngayong darating na pasko!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top