Now Reading
Magmukhang Payat Suot ang mga Damit na may Disenyong Stripes na Pababa

Magmukhang Payat Suot ang mga Damit na may Disenyong Stripes na Pababa

Madalas bang palaisipan kung ano ang iyong isusuot sa tuwing ikaw ay lalabas kahit na daan-daang damit ang nakasabit sa loob ng iyong aparador? Naranasan mo na rin ba ang pakiramdam na tila wala kang maisuot dahil hindi mo “feel” o di kaya’y wala ka sa mood para isuot ang alinmang damit na mayroon ka?

Aminin man o hindi, bawat isa sa ating mga babae ay may hilig sa pagdadamit. Sino nga naman ang ayaw magmukhang maganda? Ang paraan ng pananamit ay isang wika na sumasagisag sa iyong personalidad: mula sa kulay, uri, tatak, at istilo nito. Tayong mga kababaihan ay sadyang nilikha para gawing komplikado ang dapat na napakasimpleng buhay dahil mayroon tayong “mood swings” dulot ng “hormones” na bukod tanging mga babae lamang ang may taglay.

Pagdating sa fashion o pananamit, mayroong dalawang mahalagang bagay na dapat tandaan: ang makapagbahagi ng inspirasyon at ang pagiging malikhain. Ngayong 2019, sangkatutak na mga kasuotan nanaman ang nakapila sa uso. Isa na rito ang mga stripe na pababa o yung tinatawag na “vertical stripes”. Di tulad ng stripes na pahaba o “horizontal stripes”, ang vertical stripes ay pahaba kaya naman nagmumukha ring pahaba imbis na palapad ang may suot nito. Pantaas, pantalon, bestida, o maging palda – handog namin dito sa SHY Philippines ang ilang kasuotan na may disenyog vertical stripes para magbigay inspirasyon sa iyong susunod na “OOTD”.

Vertical stripes na pantalon

Source: Google

Gaya ng aming binanggit, ay vertical stripes ay magbibigay ng ilusyon na pahaba kaya kapag nagsuot ka ng pantalon na may ganitong disenyo, nagmumukhang mahaba ang iyong mga binti at tila mas matangkad ang itsura mo kahit na hindi ka nakasuot ng sapatos na may mataas na takong. Dahil rito, maaari mo itong isabay sa sneakers gaya ng nasa larawan o di kaya’y kahit anong sapin sa paa na walang takong o “flats”.

Vertical stripe romper

Source: Google

Pupunta sa mall para mag-shopping? Ang romper gaya nito ay isa sa pinaka komportableng kasuotan para sa mga ganitong okasyon. Maging pino man o makapal ang stripes na disenyo, maganda itong tignan lalong lalo na kung sasabayan ng simpleng accessories gaya ng kwintas o bracelet.

Vertical stripes na bestida

See Also

Source: Google

Bukod sa komportable na, “fashionable” rin ang bestida na may disenyong vertical stripes. Pinagmumukha nitong sexy at matangkad ang may suot nito dahil sa mga linyang pababa. Bagay na bagay ito sa kahit anong kaswal na okasyon kaya tiyak na hindi lang isa o dalawang beses maaaring isuot ang bestidang ito.

Vertical stripe na “button-down shirt”

Source: Google

“Button down shirt” ang tawag sa mga pantaas na may butonessa harap mula taas hanggang baba. Dahil maaari itong isuot sa anumang lugar: mapa-mall, eskwela, opisina, resort, o maging sa mga miting, tinuturing itong “basic must-have” o isa sa mga damit na dapat mayroon ka.

Vertical stripes na “miniskirt

Source: Google

Ang miniskirt na ito ay maaaring isabay sa halos kahit na anong pantaas: mapa-tshirt, sleeveless, longsleeves, o blusa. Maaari itong isuot sa pang-araw araw na pagpasok sa eskwela o di kaya’y tuwing Sabado o Linggo na pupunta sa mall para gumala.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top