Now Reading
Magtatapat kay Crush? Narito Ang Mga Best na Paraan!

Magtatapat kay Crush? Narito Ang Mga Best na Paraan!

Ilang taon mo na ba siyang crush? Hanggang ngayon ba ay hanggang titig ka pa rin at lihim na umaasang mapansin? Yung tipong dalawa o halos tatlong taon mo na syang crush at sa tuwing dadaan sya ay hanggang tingin, ngiti at sulyap lang ang nagagawa mo? Hanggang kailan mo kaya itatago ang iyong nararamdaman para kay crush? Aantayin mo bang may kasama na siyang iba bago mo pa ipagtapat ang iyong nararamdaman?

Marahil ay isa ka sa mga taong nakakaranas ng ganitong klaseng dilemma sa buhay, pero paano nga ba magtapat ng nararamdaman kay crush? Ano nga ba ang mga dapat gawin o dapat isipin bago magtapat kay crush? At handa ka ba sa maaring tugon ni crush kung sakaling magtapat ka? Huwag kayong mag-alala dahil dito sa SHY, magbabahagi kami ng mga paraan at dapat gawin upang maipagtapat mo na kay crush ang matagal mo nang nararamdaman at paano maging handa sa pagkakataon at araw na ito.

Tanggalin ang Hiya. Boost your Self-Confidence!

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo nakakapagtapat sa ating crush ang ating matagal nang nararamdaman ay dahil nahihiya tayo. Sabi nga ng marami na kailangan lang natin ng tinatawag na lakas ng loob at isa sa mga magandang gawin upang magkaroon nito ay paggawa ng listahan ng iyong best self sa aspeto ng personality, behavior, at maging physical appearance. Nakakatulong ang positive reinforcement at positive mind set para sa pag-boost ng iyong morale at self-confidence. Maari mo ring gawin ito sa madalas na pagsali sa mga volunteer works at socialization upang ma-push mo pa ang iyong sarili na lumabas sa iyong comfort zone. Sigurado kahit papaano, magkakaroon ng pagbabago ang iyong pananaw sa iyong sarili.

Kilalaning Mabuti si Crush

Kung si crush ay madalas na nakikita mo sa school o trabaho, hayaan mong maging taga-masid ka muna. Obserbahan mo ang iyong crush sa kanyang mga hilig, gustong gawin, opinion sa mga bagay-bagay, mga paborito niyang pagkain, at iba pa. Sa pamamagitan nito, mas makikilala mo sya at sa araw na magtapat ka sakanya ay maari mong isama sa inyong magiging usapan ang mga bagay-bagay na nalaman mo sa kaniya at siguradong ma-iimpress siya dahil dito.

Humanap ng Right Moment

Marahil sa sitwasyon na ito nakakahalata na si crush sa mga maliliit na gestures o bagay na naipapakita mo sa kaniya.

Isang paalala lang: huwag agag-agad magtapat ng nararamdaman, huwag itong gawing biglaaan. Maari mong ma-spoil ang “connection” niyo sa isa’t isa na unti-unti pa lang na-foform o baka ma-turn off sayo ang iyong crush, at alam naming ayaw mong mangyari iyon! Kaya’t ang magandang gawin ay i-set ang lahat. Yayain si crush sa isang coffee shop o lugar kung saan komportable ka mag-spend ng time kasama ni crush. Hindi ito date. Nais mo lamang na magtapat muna. Kaya’t napaka-importante ng right moment, dahil sa pagkakataon na iyon, masasabi mo na ang lahat kay crush.

Maging Tapat at Huwag Nang Paligoy-Ligoy Pa

See Also

Dahil narito na ang right moment na hinihintay mo, hindi mo na ito dapat palampasin! Maging direct to the point sa iyong nararamdaman ngunit marahan upang maging kaayaaya pa rin ang pagkakataon sa inyong dalawa. Magiging mahirap sa una ngunit dahil matagal mo itong pinaghandaan at naboost mo na ang iyong self-esteem, confidently mo na itong masasabi kay crush. Maaring itong gawin sa pamamagitan ng sulat, text, o sa mas mainam na paraan: sa personal. Hayaan mo ang iyong sarili na sabihin kay crush ang iyong nararamdaman. Huwag mag-alinlangan, kayang-kaya mo yan!

Huwag Matakot Sa Rejection

Isa sa mga dapat mong tandaan ay ang pagtanggap. Una, tinaggap mo sa iyong sarili na siya ay crush mo. Sa pangalawa naman, tanggapin na ang pagtatapat ay may kaakibat na kapalit: malugod niya itong tatanggapin o hindi niyo ito papanisin. At sa pangatlo, huwag matakot sa risk. Huwag matakot ma-reject. Tandaan na normal lang sa isang tao ang magkaroon ng crush at hindi ito pinagbabawal. Isipin na kung magtatapat ka ay sa wakas natanggal na ang matagal nang tinik sa iyong dibdib sa tagal mong pagtago ng iyong nararamdaman. Mapapalaya mo ang ang iyong sarili sa pagtatago. Sabi nga ng iba, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Kaya’t subukan ang mga paraan na ito upang makapagtapat ng nararamdaman kay crush, tandaan na maging confident sa iyong sarili at nararamdaman, huwag susuko at maging tapat kay crush!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top