MagTOP sa Fashion Trend sa 7 Paraan ng Pagsuot ng Crop top

| | ,

Likas sa ating mga kababihan ang pagkahilig natin sa damit at iba’t-ibang istilo ng kasuotan. Nagiging hilig na natin ang pangongolekta ng iba’t-ibang damit at madalas ay mula sa mga damit na meron tayo nakakapag isip tayo ng ibat`-ibang istilo na pwede nating magamit sa araw-araw at kung minsan ay nauubusan tayo ng mga ideya kung paano natin lalagyan ng panibagong buhay ang ating pananamit. Isa sa mga damit na nauuso ngayon ay ang crop top, isa itong mas maliit na bersyon ng mga blouse, tshirt, sando, off shoulder at iba pa na klase ng damit na may hanging na istilo. Ngunit sawa ka na sa palagian mong istilo ng pagsusuot nito, minsan ba ay parang ayaw mo na lang isuot ang iyong crop top dahil sa nauubusan ka na ng ideya para dito? Napakaraming disenyo, kulay at istilo ang pwedeng pagpilian sa damit na crop top, dahil sa taglay nitong sukat at narito ang 7 paraan kung paano pa mas mapapaganda at mabibigyang buhay ang pagsusuot ng karaniwang crop top.

Crop top + Palazzo

Ang Palazzo ay isang uri ng pants na may flowy at maluwag na istilo, at mag mumukhang mas mahaba ang iyong mga binti. Isa iyo sa mga magandang ipares a paborito mong crop top upang mas maipakita ang hubog ng iyong katawan. Tignan ang mga larawan sa ideya kung paano ito susuotin.

Crop top + Jeans

Hindi mawawala ang klasik na jeans, maaring gumamit ng skinny, ripped jeans o boyfriend jeans na bagay ipareho sa kahit na anung uri ng crop top.

Crop top + skirt

Dahil sa uso at trending ngayon ang pagsusuot ng kahit anong uri ng skirt, mainam na iterno ang crop top dito. Pwede itong maging basic style o elegant style depende sa uri ng crop top na iyong ipapareho sa skirt kagay ng ating mga inspirasyon para sa look na ito na makikita sa larawan.

Crop top + short

Kung nais mo namang magkaron ng porma o OOTD sa kahit na anung panahon o lalong lalo na sa summer, subukan ang crop top at shorts. Bukod sa mas madali kang makagalaw dito mas kompottable ang pagsusuot nito at tiyak na hindi ka mawawala sa usong istilo.

Crop top + trousers

Maraming naglabasan na iba`t-ibang kulay, disenyo at istilo nga mga trousers, isang uri ng pants na mas nakilala sa East Asia, at kung iakw ay may mga plane colors ng crop top mainam na ito ang iyong ipares.

Off shoulder crop top

Isa ito sa mga uri ng crop top na maari mong subukan. Huwag magalala kung naiisip mo na hindi ito babagay sayo dahil sa dami ng disenyo at istilo na merona ng off shoulder crop top gaya ng mga nasa larawan.

Crop top + suspender

Ang crop top at suspender ay isa sa mga istilo na magbibigay ng chick look at Girl next door na vibe.

Kaya’t ano pang hinihintay ko? Subukan na ang mga iba’t-ibang kasuotan na pwedeng ipareho sa crop top at siguradong hindi ka mawawala sa uso!

Previous

Ito Na ang Iba’t Ibang Paraan Para Magkaroon ng Magandang Mga Labi

How to Upgrade Your Look Using Ugly Shirts and Sweaters

Next