Now Reading
Magugulat ka sa Rebelasyong ito sa The Killer Bride ni Maja at Janella Salvador

Magugulat ka sa Rebelasyong ito sa The Killer Bride ni Maja at Janella Salvador

Isa ka ba sa masugid na tagasubaybay ng hit serye na The Killer Bride? Siguradong isa ka sa nagulat at na-excite sa episode na inere nila Miyerkules, Agosto 28. Ang The Killer Bride ay pinagbibidahan ni Maja Salvador bilang si Camilla Dela Torre na nagmumulto sa Las Espadas, nais nito umanong makamit ang katarungan sa kanyang pagkakulong sa kasalanang hindi nya ginawa at ang kanyang pagkamatay. Kasama rin dito si Janella Salvador bilang si Emma Bonaobra na nagtrabaho sa Las Espadas bilang taga makeup ng mga patay sa isang purinarya. Sa kwento ng The Killer Bride sumapi umano ang kaluluwa ni Camila kay Emma upang maghiganti, kasama din sa palabas ang on screen loveteam ni Janella na si Josh Garcia bilang si Elias Sanchez. Sa magta-tatlong linggo na pag-ere ng The Killer Bride ay lubos na tinitukan at inaabangan ang suspense, horror at nakaka-thrill na mga eksena at sa episode nitong Miyerkules ay pinagusapan ng lahat ang kakaibang pangyayari.

Dahil lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nang patay si Camila at sumasapi ang kaluluwa nito kay Emma isang rebelasyon ang ikinagulat ng lahat, ang nasunog at nagmumultong si Camila Dela Torre ay buhay.

Naging mainit na usap-usapan ang naging rebelasyon ni Camila at Emma, ikinagulat ito ng mga manunuood at mga tagahanga ng palabas. Pinuri rin ng mga netizens ang magaling at epektibong pagganap at pag arte  ni Janella Salvador bilang si Emma, napaniwala niya ang lahat sa kanyang karakter na sya ay nasasapian ni Camila upang maghiganti, maging si Maja Salvador o Camila sa palabas ay sinabing, ““Such a good actress,” ay pinalakpakan niya si Emma, tumugon naman ng makahulugang ngiti si Emma na ikinagulat at ikinatuwa ng mga manunuood dahil nakuha na nila ang sinasabing “twist” sa palabas.

“The stage is set, and the real work begins,” tugon ni Camila kay Emma. Eto ang naging dhailan kung bakit usap-usapan ang The Killer Bride sa Twitter at Instagram, talaga namang kaabang-abang pa ang mga susunod na mangyayari sa palabas na ito, kaya huwag nating palampasin na panuorin ang The Killer Bride!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top