Now Reading
Mahalin ang Paa gamit ang mga Low-heeled Heels na Ito!

Mahalin ang Paa gamit ang mga Low-heeled Heels na Ito!

“Magsuot ng magandang sapatos at dadalhin ka nito sa magagandang lugar.”

Isa sa mga kagamitan na hindi mawawala sa kahit sino ang sapatos at para sa ating mga kababaihan iba-ba ang uri, disenyo at gamit ng mga ito depende sa okasyon, mood, personalidad at mood. At ang pagsusuot ng matatas na sapatos o heels ay madalas na nakakapagdulot ng sakit sa ating katawan, lalo na sa ating hita at base sa mga pagaaral ay nakakasama ito sa ating paa dahil nape-pwersa ang ating ng sakong dahil sa ating bigat, isa pa ay sa ating likod madalas sa pagsusuot ng mataas na heels ay nahihirapan tayong tumayo ng tuwid at nawawala sa porma ang ating pustura, kaya naman madalas ay sumasakit ang ating likod pagtayo ay nagsusuot ng mataas na heels lalo na kung gamit natin ito sa buong araw ng nakatayo. Kaya naman magandang ideya ang pagkakaron at pagsusuot ng mas mababang heels o low-heeled heels na hindi lang komportable, subok na matibay, fashionable at hindi ka mahihirapan na ito ay dalhin o suotin. Kaya naman kami ay dito sa SHY ng mga ideya sa mga uri ng low-heeled heels.

Teva

Kung ikaw ay mahilig sa adventure at outdoor activities na nag nanais maging fashionable, subukan ang Teva sandals na may low-heeled style. Bukod sa ito ay komportableng isuot madaming disenyo at istilo na maaring subukan.

Low-block Heels

Para naman sa pang araw-araw na sapatos mapa opisina, paaralan o maging sa mga party isa ang block heels sa pinaka gamitin. Dahil sa mga iba`t-ibang struktura at disenyo nito mas babagay dito ang kahit anu mang suotion pormal, casual o sa pang araw-araw lang.

Low-heeled Wedge

Isa sa mga trending na sapatos ang Wedge heels dahil sa makapal nitong takong na nakakapag bigay ng buong lapat ng sakong kapag ito ay ilalakad mo kaya mas komportable ito kasya sa mga may makikitid na takong.

Transparent low heels

Dahil sa nauusong naked makeup at natural makeup, sumasabay din sa trend na ito pati ang mga sapatos at isa dito ang transparent heels. Isang uri ng low heeled heels na gawa sa clear PVC, kiatng kita ang natural na kulay ng iyong mga paa at kung bagong pedicure ka ay lulutang ang kulay ng iyong mga kuko.

See Also

Pointy Toe Heels

At para sa mga mahilig sa edgy na istilo narito ang pointy toe heels. Sa classic at edgy design nito ay aakalain mong ang hirap nito ilakad ngunit napaka komportable nito sa paa at sobrang fashionable! Tamang tama rin ito na isuot sa paaralan o sa trabaho.

Mules

Narito naman ang siang klase ng sapatos o heels na napaka daling isuot lalo na kung on-the-go kang tao. Slip and go nga ito kung ituring dahil wala itong strap o mga tali na kailangan mo munag alisin at ilagay para maisuot mo ang iyong heels. At dahil sa natatanging mga disenyo at istilo nito ay gustong-gusto ito ng marami.

Kaya naman pili na mga ka-SHY ng para sa iyong low-heeled heels paras a mas komportableng pakiramdam sa paa!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top