Now Reading
Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang maikling bakasyon sa Japan

Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang maikling bakasyon sa Japan

Pinatunayan ni Maine Mendoza at Arjo Atayde na kahit gaano kaabala sa trabaho ay kailangan paring magkaroon ng oras para sa isa`t-isa. Namataan ng maraming netizens ang pagbabakasyon ng dalawa sa Osaka, Japan noong nakaraang linggo. Hindi man naging bukas sa publiko si Maine at Arjo tungkol sa kanilang naganap na bakasyon, hindi naman pinalampas ng mga netizens ang opurtunidad para makakuha ng litrato sa airport man o maging sa bansang Japan.

View this post on Instagram

Finallyyyy enjoy in Japan Armaine 💑

A post shared by Maine Mendoza-Arjo Atayde (@arjomaineupdates) on

Naging maingay ang haka-haka sa relasyon ni Maine at Arjo nitong unang bahagi ng taon at nilinaw ng dalawa na sila ay “exclusively dating”. Hanggang ngayon ay madalas na makita si Maine at Arjo na magsakasama at nagbabakasyon, una silang nagbakasyon sa Taiwan, Universal Studios Singapore, at Bali, Indonesia. Makikita rin na iba ang saya ni Maine at Arjo tuwing sila ay magkasama, kaya naman hindi nakapagtataka na sila ay inlove sa isa`t-isa.

Isang mabilisang bakasyon sa Osaka, Japan ang naganap noong nakaraang Linggo dahil abala si Maine sa kanyang paparating na pelikula kasama si Carlo Aquino ang Isa Pa With Feelings sa ilalim ng Blacksheep Film. Naglabas na ng teaser ang pelikula at petsa kung kalian ang block screening nito kaya naman hindi ito pinalampas ng mga tagahanga ni Maine at Carlo. Ang Isa Pa With Feelings ay ipapalabas sa Oktubre 16 ngayong taon kaya naman puspusan na ang taping at talaga namang excited na ang lahat para sa pelikula na ito dahil unang beses din magsasama ni Maine at Carlo sa isang pelikula. Habang si Arjo naman ay abala din sa taping ng The General`s Daughter na mapapanood sa ABS-CBN gabi-gabi.

Sinulit ni Maine at Arjo ang kanilang maikli ngunit memorable na bakasyon sa Osaka, Japan at ngayon ay handa na muli silang harapin ang kanilang mga trabaho, kaya naman manatili kayong in love Maine at Arjo!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top