Now Reading
Maine Mendoza todo suporta sa kanyang on-screen partner na si Carlo Aquino

Maine Mendoza todo suporta sa kanyang on-screen partner na si Carlo Aquino

Si Nicomaine Dei Capili Mendoza o may kilala natin sa pangalang Maine Mendoza na syang tinaguriang Yaya Dub sa kalyeserye ng noontime show na Eat Bulaga ay kasalukuyang abala sa napakaraming shooting ng kanyang mga endorsements, palabas at ang pinaka bago nyang pelikula na pagsasamahan nila ng unang beses na si Carlo Aquino na pinamagatang Isa Pa With Feelings. Ang pelikulang ito ay may temang romantic comedy na siguradong aabangan ng lahat, at kamakailan ay isinapubliko na ang unang teaser ng pelikula, kaya naman mas lalong nasabik ang mga tagahanga ni Maine at Carlo.

View this post on Instagram

#IsaPaWithFeelings

A post shared by Black Sheep (@black_sheepph) on

At sa gitna ng napaka busy na schedule ni Maine at hindi nya pinalampas na dumalo sa concert ng kanyang on-screen partner sa pelikula na si Carlo Aquino. Ang concert ni Carlo na “Liwanag” ay naganap sa Music Museum noong Agosto 31.

Dinaluhan ito ng mga kaibigan, pamilya at tagahanga ng aktor at syempre si Maine upang ipakaita ang kayang suporta. Pinasaya naman lalo ni Carlo ang gabi nang lumapit ito kay Maine at niyakap ang aktres bilang pagpapakita ng pasasalamat sa pagdalo nya sa concert. Umani naman ng nakakakilig na reaksyon ang ginawang ito ni Carlo kay Maine. Nagbahagi din ng mga litrato ang aktres sa nasabing concert, sa ilang video makikita rin na inalok ni Carlo si Maine na kumanta kasama nya at pabirong sagot ni Maine, “Sapakin kita.”, gumanti naman ng ngiti ang binata. Natuwa ang mga netizens kay Maine at Carlo dahil nakikita nilang komportableng-komportable ang dalawa sa isa`t-isa, kaya naman nakakatiyak na magiging maganda ang kanilang pelikula dahil sa magandang samahang nabuo nila.

Todo suporta naman ang mga tagahanga ni Maine at ni Carlo sa proyekto ng dalawa, at sabik na ang lahat na mapanuod ang Isa Pa With Feelings sa direksyon ni Prime Cruz at sa ilalim ng produksyon ng Black Sheep Films.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top