Now Reading
Maja at Janella Salvador – Power Tambalan sa “The Killer Bride”

Maja at Janella Salvador – Power Tambalan sa “The Killer Bride”

Ang “The Killer Bride” ay isang drama teleserye tuwing gabi na kinatatampukan ng mga sikat na artista gaya nina Janella Salvador, Joshua Garcia, Geoff Eigenmann at Maja Salvador. Lingid sa inyong kaalaman, si Janella at Maja ay magkamag-anak. Ang lolo ng dalawang artista ay magkapatid. Ito ang kanilang kauna-unahang proyekto na magkasama. Kahit na may siyam na taong agwat ang dalawa at naunang pumasok si Maja sa showbiz ng siyam na taon bago kay Janella, ipinahiwatig ni Maja ang kanyang paghanga kay Janella. Sinabi ni Maja na ito na marahil ang pagkakataon ni Janella para lalong maging kilala sa larangan ng show business at inihalintulad niya ito sa kanyang sarili nang gumanap siya bilang “Ivy Aguas” o “Lily Cruz” sa palabas na “Wildflower”.

Source: Google

Ang “The Killer Bride” ay unang ipinalabas noong ika-labindalawa ng Agosto nitong taon sa ABS-CBN. Umiikot ang storya ng nito sa lugar ng Las Espadas kung saan nagmumulto si Camilla Dela Torre, isang babae na nasunog at namatay sa kulungan pagkatapos pagbintangan na pumatay sa isang babae na ikakasal sana kinabukasan noong taong 1999. Sinumpa ni Camilla ang lahat ng taong nagbintang ng mga maling akusasyon laban sa kanya bago siya mamatay.

See Also

Source: Google

Dahil usap-usapan na ang teleserye sa internet at maging sa social media, mabilis ang pagsikat nito kahit hindi pa nakaka isang buwan na ipinapalabas sa telebisyon. Sa katunayan, sa ika-labinwalong episode ng teleserye, pumalo ng 24.6% ang rating ng “The Killer Bride” – doble ng rating ng karibal nitong teleserye sa GMA na “The Better Woman”. Ang “The Killer Bride” ay mapapanood sa ABS-CBN Channel 2 tuwing 9:15 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top