Now Reading
Maja Salvador at Boyfriend Na Si Rambo Nuñez, Engaged Na Nga Ba?

Maja Salvador at Boyfriend Na Si Rambo Nuñez, Engaged Na Nga Ba?

Maraming natutuwa sa mga balita ng engagement. Isa na rito ay ang engagement nila Angel Locsin at Neil Arce nito lang nakaraang weekend. At ngayon, naging maingay ang balita na ang sikat na dancer at aktres na si Maja Salvador at ang kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez ay may balak na ring magpakasal? Totoo ba ito?

View this post on Instagram

Enjoying our journey together 👫🏔

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez) on

Itong nakaraang Pebrero, naging bali-balita na si Maja Salvador ay may bagong love interest na pinatotohanan ng isang litrato kung saan kasama nya si Rambo Nuñez na isang businessman. Magkasama sila at magka-holding hands pa at sa litrato ay kasama rin nila ang ina ni Rambo Nuñez na si Marilen Nuñez. At mula noon ay mas madalas nang makita ang dalawa nang magkasama. Maging sa mga Instagram post nila ay talagang makikita ang pagmamahalan at pagka-sweet nilang dalawa.

At ito ngang linggong ito sa isang Instagram post ni Rambo Nuñez na boyfriend ni Maja Salvador, pinakita ng dalawa na sila ay na sa Switzerland na magkasamang nagbabakasyon. Isa sa mga kaibigan nito ang nag-comment ng “Bro [ring emoji] bigyan mo na.” Tumugon naman si Rambo Nuñez ng isang makabuluhang sagot na kinagulat ng lahat, “Attend ba kayo?” At muli, tinugunan ito ng kanyang mga kaibigan at kanyang sinabi na, “Sa birthday ko kasi… July na.”

Ang mga tagahanga ni Maja Salvador ay talagang natuwa sa mga sagot ni Rambo Nuñez para sa kanyang kasintahan na si Maja Salvador. At nasabi ba naming si Rambo Nuñez ay ex-boyfriend ni Maja Salvador 9 years na ang nakakaraan? Talagang love is sweeter the second time around! Naging maingay ang sagutang ito sa Instagram at naging matunog ang paparating na engagement.

Lahat ay nag-aabang kung talaga bang totoo ang balitang ito at nasasabik sa magiging sagot at tugon ni Maja Salvador kung sakali mang mag-propose ang kanyang boyfriend. Sa ngayon ay wala pang konpirmasyon tungkol sa kanilang engagement, kaya’t nagaabang ang lahat sa masayang pagkakataon na ito.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top