Now Reading
Makeup lovers at Popsters! Bukas na ang POP Studio store sa Makati

Makeup lovers at Popsters! Bukas na ang POP Studio store sa Makati

Magandang balita para sa mga mahilig sa makeup at Popsters! Nagbukas na ang flagship store ng POP Studio sa Glorietta 1. Mayo 31 ngayong taon nang ginulat tayo ng Popstar Royalty, Sarah Geronimo nang kanyang ibahagi at ibinunyag sa publiko ang kanyang sarili makeup line na POP Studio PH. Ang POP Studio PH ay kolaborasyon ng iFace Inc ang kaparehong kompanya na naglabas ng isa ring kolaborasyon ni Nadine Lustre ang Lustrous.

Lingid sa ating kaalaman ang industriya kung saan angat si Sarah ang pagkanta kaya naman makikita sa kanyang mga produkto sa POP Studio ang music inspired theme ng mga makeup. Ang mga pangalan ng kanyang makeup products ay hango sa mga popular nyang hits, covers, duets, mga tempo, nota at tinawag nya ding Choir ang isang lipstick set na may anim na kulay.

Isa sa mga nagustuhan ng mga makeup enthusiast sa produkto ng POP ay ang duo features nito, isa sa mga halimbawa ay ang compact na may blush at pang-contour at eyeshadow palette at ang pinagmamalaki nilang day to night wear At higit sa lahat ay abot-kaya ang presyo ng mga makeup ng POP Studio. Makikita sa bagong bukas na flagship store na ito ang agaw pansin na red at orange na kulay, kaya nakakaenganyong pumasok at sumubok ng mga produkto.

See Also

Sa store na ito ng POP Studio PH, magkakaroon din ng pagkakaton na subukan mismo ang mga produkto para ikaw mismo ang makapili ng angkop na kulay para sa iyo. Nakalagay din sa store ang lahat ng produkto na meron sa POP, magmula sa primer, concealer, eyeliner, lipsticks at ang hindi pwedeng mawala na highlight at mga makeup products na iyong naisip ay siguradong may mahahnap ka na pwedeng-pwede mong subukan.

Source: MB.com.ph

Kaya naman pumunta na sa Glorietta 1 mga ka-SHY at subukan mismo ang POP Studio PH makeup products!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top