Now Reading
Malalim na Ibig Sabihin ng Post ni John Lloyd Cruz sa Instagram: Tungkol nga ba sa Hiwalayan nila ni Ellen Adarna?

Malalim na Ibig Sabihin ng Post ni John Lloyd Cruz sa Instagram: Tungkol nga ba sa Hiwalayan nila ni Ellen Adarna?

Source: Google

Kamakailan lamang ay kumalat ang balita sa Facebook ang di umano’y hiwalayan ng magkasintahan na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna matapos magkaroon ng isang anak na si Elias Modesto sa loob ng isang taong pagsasama. Ilang balita ang nagsasabi na isang araw ay nagising na lamang si Ellen at naisip na ayaw na nitong makasama si John Lloyd dahil masyado itong “weird” o kakaiba.

Source: Google

Sa katunayan, nagsampa na ng “Temporary Protection Order” si Ellen laban kay John Lloyd. Ito ay ipinagkakaloob ng korte kapag naniniwala itong mayroong posibilidad na magkaroon ng peligrosong pangyayari na maaring maganap o mangyaring muli na ikapapahamak ng nagreklamo at anak nito. Ito ay magbibigay proteksyon kay Ellen at kanyang anak laban sa pang-aabuso, mapa-pisikal man o emosyonal. Sa madaling salita, ang “temporary protection order” ay isang sangay ng batas laban sa karahasan sa mga kababaihan at kabataan.

Source: Google

Samantala, isang “blind item” naman ang lumabas mula sa isang gossip blog website na ang dahilan raw ng paghihiwalayan ng dalawa ay ang pagkalulong ni John Lloyd sa alak na madalas magbunga ng pag-aaway nila ni Ellen.

Noong kamakalawa, may Instagram post si John Lloyd na may caption na “From nosi balasi to kay bilis maglaho ng kahapon (minsan).” Nakalarawan rito ang isang maliit na bluetooth speaker na nakapaloob sa isang plastik na timba.

Source: Google

Ang “Nosi Balasi” ay isang kanta ng bandang Sampaguita tungkol sa di pag-patol sa mga paninira laban sa isang tao. Samantala, ang mga katagang “Kay bilis maglaho ng kahapon” ay hango sa kantang “Minsan” ng Eraserheads na tungkol naman sa pagalaala ng isang relasyon na ngayo’y tapos na.

See Also

Mabilis itong kumalat sa social media at libo-libong netizens na ang nagkomento ukol dito. Ayon sa mga komento, ito’y mistulang pag-kompirma ni John Lloyd na sila ay hiwalay na ng ani Ellen Adarna.

Source: Google

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top