Now Reading
Maluwag na Pantalon? Walang Problema! Narito na Ang Iba’t Ibang Paraan Upang Bumalik ang Magandang “Fit” nito sa Katawan

Maluwag na Pantalon? Walang Problema! Narito na Ang Iba’t Ibang Paraan Upang Bumalik ang Magandang “Fit” nito sa Katawan

Ang ating mga maong na pantalon ang isa sa pinakamadalas nating gamitin sa lahat ng ating mga damit sa loob ng aparador. Mapa-lalaki man o babae, lahat tayo ay madalas dumedepende sa isang pirasong damit na ito at aminin natin na hindi lang isa o dalawang beses natin ito paulit-ulit na isinusuot bago labhan. Sa sobrang dalas ng paggamit ng maong na pantalon, karaniwan itong lumuluwag sa pagtagal ng panahon at nawawala ang pagka-fit. Para naman sa mga taong nag-didiet, problema din ang maluluwag na pantalon dahil ayaw natin bumili ng bago dahil baka sakaling magtuloy-tuloy pa ang pagpayat.

Ngunit alam mo ba na may ilang paraan na makakatulong upang maging maganda ulit ang “fit” ng paborito mong pantalon sa iyo? Hatid namin ang mabuting balita kasabay ng ilang mga paraan upang hindi mo ipamigay ang mga pantalon na matagal mong minahal.

Una: Ilublob ito sa kumukulong tubig.

Source: Giphy

Mahilig ka ba magluto? Oras na para lutuin ang pantalon mo! Humanap ng malaking kaldero at punuin ito ng tubig. Pakuluin ang tubig at ilublob ang maluwag na pantalon dito sa loob ng dalawampu hanggang apatnapung minuto. Siguraduhing nakalubog ang pantalon sa ilalim ng tubig at walang parte nito ang nasa ibabaw ng tubig. Pigain ang pantalon at ipasok ito sa dryer. I-set ang dryer sa pinakamainit na setting at hintaying matuyo ang pantalon.

Ikalawa: Itaas ang temperatura ng dryer.

Source: Giphy

Ang mataas na temperatura ay makakatulong sa pag-urong at pagsikip ng mga hibla ng tela ng iyong pantalon. Itodo ang init ng dryer tuwing patutuyuin ang bagong labang pantalon para hindi ito lumuwag.

Ikatlo: I-sprayan ng fabric softener.

Source: Giphy

Paghaluin ang ¾ na tubig at ¼ na fabric softener sa isang spray bottle. I-sprayan ang mga parte ng pantalon na nangangailangan ng pag-urong, gaya ng bewang at laylayan nito. Ipasok ito sa dryer at hintaying matuyo.

Ika-apat: Plantsahin ang pantalon.

See Also

Source: Giphy

Ang pagplantsa ay isang paraan kung saan direktang init ang dumidikit sa pantalon. Maaari mong plantsahin ang buong pantalon o ang mga lugar lamang na kailangan paurungin. Huwag kalimutang patuyuin ito bago isuot.

Ika-lima: Tahiin ito ayon sa nais mong size.

Source: Giphy

Kung marunong kang mag-tahi, madali mong mapapasikip ang maluwag mong pantalon. Baliktarin ang pantalon at gupitin ang lumang seam nito. Gumawa ng bagong seam na mas masikip at mas maganda ang fit. Maaari mo ring itahi ang isang elastic band na may habang 6-7 inches sa loob ng bewang ng pantalon kung maluwag sa bandang ito.

Ika-anim: Magsuot ng leggings sa ilalim ng pantalon.

Source: Giphy

Ang pagdagdag ng isa pang kasuotan sa ilalim ng pantalon ay siguradong magbibigay ng dagdag na kasikipan dito. Hindi rin ito magiging halata dahil natatakpan naman ang leggings sa ilalim.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top