Mapapa #DontKillMyVibe Ka sa mga Neon Outfits na Ito!

| | ,

Para sa mga kababaihan na mahilig sa matitingkad na kulay ng kasuotan, siguradong magugustuhan mo ang aming inihandang outfit ideas para sa iyo at kung nais mong mangibabaw sa kulay ng suot mong damit dapat mong subukan ang neon colors. Ano nga ba ang neon colors? Ito ay mga kulay na mas matingkad, makinang, at mas intense kumpara sa mga karaniwang kulay na ating nakikita. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming nahuhumaling sa neon colors. Green, pink, yellowl at blue. Ilan lamang iyan sa mga neon colors na trending ngayon at dahil sa tingkad nito, siguradong kitang-kita ka sa gabi at umaga, kaya’t aming ihahatid sa inyo ang iba’t-ibang uri ng trending outfit sa kulay ng neon.

Neon Cords

Usong-uso ngayon ang mga outfit na cords o mga terno sa kulay at design lalo na sa kulay na neon. Patungan lamang ito ng jacket o sweater, certified #OOTD na ang iyong look!

View this post on Instagram

The world is my runway.

A post shared by Fashion & streetwear (@houseofsamplicity) on

Neon Top Bodysuit

Isa sa mga kinahuhumalingan nating mga kababaihan ngayon ang body suit at ang kulay neon na uri ng body suit ay talaga namang nakakaangat sa iba. Dahil sa versatile ang bodysuit, maari itong ipareha sa iba’t-ibang uri ng pang-ibaba kagaya ng na sa mga larawan.

Neon Jumpsuit

Syempre hindi rin pahuhuli ang trending na neon color jumpsuit outfit dahil sa full coverage nito sa katawan at matingkad na kulay nito ay mainam na outfit para sa iyong street style look!

Isa sa ating inspo para sa outfit na ito ay si Kylie Jenner. Tingnan ang kaniyang jumpsuit sa kulay na neon yellow!

View this post on Instagram

💛

A post shared by Kylie ♥️ (@kyliejenner) on

Neon Formal Cords

Dumako naman tayo sa formal outfit na kulay neon. Napakaraming kulay ng neon at style na maari mong subukan — mula sa blazer na long sleeve at pants o shorts. Isang formal outfit na pasok sa trending style!

Ika nga ng iba, “you can never go wrong with neon”, at kung may isang pormal na event kang pupuntahan, maari mong gawing option ang neon color dress bilang outfit mo siguradong head turner at agaw-pansin ang iyong look!

Neon at Animal Print

Para naman sa mga mahilig sa animal print outfits, narito ang neon color upang mas mag-level up ang iyong look. Hindi lamang sa pang-itaas na damit, kung hindi sa dress, pants, leggings, at bodysuit na pwedeng pagpilian. Tignan ang mga kombinasyon ng kulay at style ng animal print ng ating mga inspo sa larawan.

At syempe hindi magpapahuli ang ating inspo sa neon color outfit na si Kylie Jenner. Tingnan ang kanyang trending na neon orange animal print outfit, at talaga namang si Kylie ay living the neon dream.

View this post on Instagram

Love these fan edits 🥵🧡 📸 @splashnews

A post shared by Kylie ♥️ (@kyliejenner) on

Neon color swimwear

At dahil hindi natatapos ang summer feels, isa sa mga in demand na kulay sa swimwear o mga swimsuit ay ang neon colors. Dahil sa matingkad na kulay nito, siguradong ready for beach bum na ang iyong vibe!

View this post on Instagram

love these two more than life itself

A post shared by Kylie ♥️ (@kyliejenner) on

Kaya’t huwag magpahuli at subukan na ang mga outfit ideas na ito! Siguradong hindi ka mawawala sa uso at vibe sa neon colored outfits na ito!

Previous

Maging Makeup Master Sa 5 Tips Na Di Mo Dapat Palampasin

Selena Gomez Looks Magical In Her Rainbow Sequin Dress and We’re Honestly All For It

Next