Now Reading
May Bagong Teleserye ang GMA na Ipantatapat sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN

May Bagong Teleserye ang GMA na Ipantatapat sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ng ABS-CBN

Marahil ay walang tunay na Pilipino na hindi pa nakakapanood sa palabas ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil ito ang pinakasikat at pinakamatagal na teleserye sa kasaysayan ng Philippine television. Ito ay hango sa pelikulang aksyon ni Fernado Poe Jr. na pinamagatang “Ang Probinsyano” noong taong 1997 at ang kasalukuyang bida na gumaganap sa teleserye na ito ay walang iba kundi ang magiting na si Coco Martin. Kasama niya rito ang ilang mahuhusay na batikan at batang artista tulad nina Yassi Presman na siyang leading lady ni Coco Martin, Angel Aquino, John Prats, John Arcilla, Susan Roces, Jaime Fabregas, Joel Torre, Bianca Manalo, Lorna Tolentino, McCoy De leon, at Rowell Santiago.

ABS-CBN

Halos mag aapat na taon nang napapanood ng buong Pilipinas gabi-gabi ang palabas na ito at maging sa kasalukuyan ay wala pang nakatalo sa napakataas na rating nito sa telebisyon. Sa katunayan, labingapat nang teleserye ang ipinalabas ng kalaban na GMA Network na pangtapat sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ngunit wala ni isa rito ang naging matagumpay na makasungkit ng mataas na rating. Kabilang dito ang “Alyas Robin Hood” kung saan tampok si Dingdong Dantes bulang bida, ang “Super Ma’am” ni Marian Rivera noong 2017, “Alyas Robin Hood Season 2” ni Ruru Madrid, at ang “Cain at Abel” kung saan kasama ni Dingdong ang sikat na artista na si Dennis Trillo.

PEP

Sa kasalukuyan, mayroong bagong teleserye sa GMA na muling ipangtatapat sa time slot ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.  Ang pamagat nito ay “Beautiful Justice” at tampok dito ang mga magagaling na artista na sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, Bea Binene, Valeen Montenegro, Derrick Monasterio, Bing Loyzaga, at Victor Neri. Ang storya ay tungkol sa tatlong matatapang na kababaihan na bubuo ng alyansa para sa kanilang yumaong mga mahal sa buhay. Matalo kaya nito sa wakas ang rating ng “FPJ’s Ang Probinsyano”?

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top