Now Reading
May Bagong Teleserye si Alden Richards at Ipapakilala Namin Sa inyo ang Kanyang Leading Lady

May Bagong Teleserye si Alden Richards at Ipapakilala Namin Sa inyo ang Kanyang Leading Lady

Alam niyo bang magkakaroon ng bagong teleserye ang “pambansang bae” na si Alden Richards? Sa katunayan, ilang linggo nang nag-tataping sa Divisoria si Alden kasama ang ilang magagaling na artista tulad nina Rochelle Pangilinan, Mikee Quintos, Martin del Rosario, Elizabeth Oropesa, Jean Garcia, at Jo Berry. Sa teleseryeng ito, isang bulag ang gagampanang role ni Alden kaya naman isa itong malaking pagsubok para sa kanya. Ang pamagat ng bagong drama seryeng ito ay
“The Gift”, dahil sa kakayahang hulaan ang hinaharap at magbalik tanaw sa nakaraan.

Bilang paghahanda para sa bago niyang role, nais ni Alden mismong maranasan kung paano maging bulag kaya naman sa tulong ng isang NGO na “Resources for the Blind Incorporated”, nag-“immersion” si Alden sa Divisoria. Ani niya, iba ang pakiramdam na naroon siya mismo upang maranasan at maramdaman ang buhay at galaw ng isang taong may diperensya ang paningin. Ani niya, pagbubutihin niyang gampanan ang karakter na ito dahil nais niyang magbigay ng inspirasyon sa mga PWD lalong lalo na sa mga bulag.

See Also

View this post on Instagram

#LongTimeNoSelfie

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Samantala, pinangalanan na ang magiging leading lady ni Alden sa kanyang pinakabagong teleserye. Ito ay walang iba kundi ang kauna-unahang Pilipina na nakasungkit ng korona sa Miss Eco International Beauty Pageant noong taong 2017 – si Thia Thomalia. Tubong Southern Leyte, si Thia ay may lahing German. Pagkatapos niyang manalo sa beauty pageant, opisyal siyang naging aktres sa GMA Kapuso Network at naging host sa palabas na “Glam Up” kasama sina Winwyn Marquez at Michelle Dee. Ayon sa isang interview kay Thia, personalidad nyang magsikap para sa makagawa ng pangalan sa larangan ng anumang industriyang pasukin niya. Dagdag niya, ang showbiz ay bagong karanasan para sa kanya kaya nasasabik siya para sa mga proyektong paparating. Sinabi rin nito na nais niyang maka-trabaho balang araw ang ilang magigiting na artista gaya nina Lovie Poe, Solenn Heusaff at Dingdong Dantes.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top