Now Reading
May Bagong Teleserye Tuwing Hapon ang GMA na Ipinantapat sa Kadenang Ginto

May Bagong Teleserye Tuwing Hapon ang GMA na Ipinantapat sa Kadenang Ginto

Source: Google

Mga sikreto sa pamilya, inggiterang mga kamag-anak, iba’t ibang pagsubok sa buhay, at tunay na pagkakilanlan ng magkakapatid – dito umiikot ang istorya ng pinakabagong “prime time” telenovela tuwing hapon sa GMA Network na pinamagatang “Prima Donnas”. Simula noong ika-labinsiyam ng Agosto, sinimulan nang ipalabas ang prime time series na ipinantapat sa sikat na panghapon na teleserye sa kalaban na TV network na ABS-CBN: ang “Kadenang Ginto”. Tampok sa telenovela ang mga sikat na artista gaya nina Katrina Halili, Glaiza de Catsro, Aiko Melendez, Wendell Ramos, Elijah Alejo, Chanda Romero, at Benjie Paras.

Source: Google
Source: Google

Si Elijah Alejo ay nakilala sa “Shake Rattle and Roll 12” noong 2010 at “Innamorata” noong 2014. Isa siya sa sumisikat na teen stars sa kasalukuyan. Kamakailan lamang ay nakasama ni Elijah ang kanyang idilo na si Glaiza de Castro sa standby area ng set ng “Prima Donnas”. Inilarawan ng batang aktres ang kanyang paghanga kay Glaiza dahil sa di umano’y husay nito sap ag-arte. Ani niya, idolo niya si Glaiza dahil magaling itong umarte at kaya nitong umiyak at gumanap bilang kontrabida. Sa katunayan, noong ika-labinsiyam ng Hunyo nitong taon, binati ni Elijah si Glaiza ng “Congratulations” sa isang Instagram post at sinabing ikinagagalak niya itong makilala.

Ang mga miyembro ng creative team ng prime time series ay binubuo nina Aloy Adlawan bilang Creative Director, Dode Cruz bilang Creative Unit Head, Kit Langit bilang Concept Consultant, Maria Zita Garganera bilang Concept Creator, at Luningning Interino-Ribay bilang Headwriter. Samantala, mayroon itong tatlong iba’t-ibang talentadong manunulat na sina Kuts Enriquez, Borgy Danao, at Mike Ladera. Ang original na serye ay pinamumunuan nina Lilybeth G. Rasonable na SVP for Entertainment Group at Redgie A. Magnon a VP for Drama ng GMA Network. Ang Executive Producer naman nito ay walang iba kundi si Marissa Hilario.

Source: Google

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top