Now Reading
Maymay Entrata – Gaganap Nga Ba Bilang Catriona Gray sa “Maalaala Mo Kaya”?

Maymay Entrata – Gaganap Nga Ba Bilang Catriona Gray sa “Maalaala Mo Kaya”?

Source: Google

Si Maymay Entrata o Mary Dale Entrata ang dalwampu’t dalawang aktres, singer at modelo na nakilala sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Tubong Cagayan de Oro, si Maymay ay laki sa kanyang lola dahil ang kanyang ina ay nagtatrabaho sa Japan bilang OFW mula nang iniwan sila ng kanyang ama. Sa kabila nito, si Maymay ang kauna-unahang Filipina na rumampa sa Arab Fashion Week. Sa kasalukuyan, makikita siya sa ilang palabas sa telebisyon gaya ng Hiwaga ng Kambat at La Luna Sangre. Bukod sa talento sa pagkanta, mahusay na aktres si Maymay kaya naman may ilang spekulasyon at bali-balitang kumakalat na siya ang napiling magsadula ng buhay ng Miss Universe na si Catriona Gray sa isang episode ng palabas na “Maalaala Mo Kaya”. Nagsimula ang tsismis nang mag-post ng ilang litrato ang sikat na shoe designer ng Binibining Pilipinas na si Jojo Bragais kasama si Maymay noong Pebrero nitong taon. Kasabay nito ay nag-post rin si Carlos Buendia sa Instagram, ang trainer ni Miss Universe Catriona Gray, at sinabing “Good luck in everything, Maymay. I-lava walk na lang natin yan. Abangan!” Dagdag rito, binanggit rin ni Carlos na hanga sya sa mapagkumbabang ugali ni Maymay.

Source: Google

Samantala, sa isang interview kay Catriona bago ang gabi ng Miss Universe Beauty Pageant, tinanong ito kung sino ang kanyang pipiliing artista na maaaring gumanap bilang siya kung sakaling ipalabas ang buhay niya sa “Maalala Mo Kaya”. Ang sagot ni Catriona? Si Maymay Entrata. Inilarawan niyang may pagka-“goofball” o nakakatawa si Maymay at ganun rin siya. Pagkatapos koronahan si Catriona ay tinanong muli ito ng ABS-CBN news anchor na si Mario Dumaual sa isang interview kung si Maymay pa rin ang pipiliin niyang magsadula ng kanyang buhay sa telebisyon. Si Maymay pa rin ang kanyang napili. Sabi niya, di raw niya ito tututulan dahil napakamapagkumbaba ni Maymay. Nakasalamuha na ito mismo ni Catriona ng dalawang beses at inilarawan niyang napakalambing ni Maymay.

Source: Google

Ngunit wala pa raw diskusyon ukol sa pagsasadula ng kanyang buhay sa palabas na “Maalala Mo Kaya”. Sa kabila ng paghanga ni Catriona kay Maymay, bukas rin siya sa iba pang artista na maaaring magsadula ng kwento ng kanyang buhay. Ani niya, maganda ring mag-consider ng mga baguhang aktres upang makilatis kung sino talaga ang pinaka-angkop sa kanyang personalidad. Nais rin ni Catriona na personal na makilala ang mga ito, kung sakali.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top