Now Reading
Maymay Entrata sumubok sumali sa New York Fahion Week

Maymay Entrata sumubok sumali sa New York Fahion Week

Isang pangarap ang unti-unti inaabot ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 winner na si Maymay Entrata. Kamakailan sa isang press conference, ibinahagi ni Maymay na sya ay nag-audition sa New York Fahion Week, isang prestihiyosong pagtitipon ng mga kilalang designer at mga natatanging modelo sa buong mundo.

Ipinahayag ni Maymay na sya ay nag audition at isnilai ng Dubai-based designer na si Furne One, “Nag-audition po ako sa New York Fashion Week,” she said to the media. “Hindi po biro kasi ‘yun, so hindi ko pa po talaga alam kung sakaling matutuloy po ‘yun.” Ibinahagi din nya ang pinagdaan nyang proseso sa pagsali, “Iyong designer pa rin po si Ms. Furne One, parang online po. Bale pinost lang po ‘yung audition ko. Live po ‘yun, hindi lang si Ms. Furne One [ang nandoon] kundi ‘yung mga… Sino nga ba ‘yun? Iyong mga nasa New York Fashion Week, mga malalaking tao doon,” Si Maymay ang tumayong muse ni Furne One at sa kanilang official entry sa prestihiyosong event.

Maaalala na si Maymay ang pinaka unang Filipina na rumampa sa Arab Fashion Week, at ibinahagi nya ito sa kanyang Instagram post na kung saan sinabi nyang, “Nakakaiyak lang isipin na dati pinapangarap ko lang ang nararamdaman kong to. Yung tipong pag iniisip mo sya kay hirap na abutin pero minsan pala pag pinabayaan mo lang at marunong maghintay sa tamang panahon kung para sayo talaga ibibigay sayo.”

See Also

Kaya naman napakalaki ng potensyal ng aktres pagdating sa pagiging modelo. Ilan sa mga sikat na personalidad na rumampa sa New York Fashion Week ay sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Janine Tugonon, and Valerie Weigmann, at Kat Gumabao. Ang nasabing event ay magsisimula sa Septyembre 6 hanggang Septyembre 14, 2019. Kung matatanggap umano si Maymay ay isa itong karangalan ngunit sa ngayon ay magjihintay muna umano ang aktres sa update.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top