Now Reading
Mayroong Emosyonal na Mensahe si Camille Prats Para sa Panganay nitong Anak na si Nathan

Mayroong Emosyonal na Mensahe si Camille Prats Para sa Panganay nitong Anak na si Nathan

Alam niyo bang pumanaw ang unang asawa ng kilalang child star na si Camille Prats na si Anthony Linsangan noong taong 2011? Ikinasal sila noong taong 2008 sa Los Angeles, California ngunit pagkatapos biyayaan ng isang anak na lalaki at maligayang pagsasama sa loob ng tatlong taon, pumanaw ito dahil sa sakit na nasopharyngeal cancer o cancer ng lalamunan. Ngunit hindi lahat ng malulungkot na kaganapan ay nauuwi sa kawalan ng pag-asa. Noong Enero taong 2018, muling nakatagpo ng pag-ibig na wagas si Camille. Ikinasal siyang muli sa isang negosyante na si VJ Yambao pagkatapos ito bigyan ng pag-apruba ng panganay niyang anak na si Nathan. Sa isang panayam kay Camille, sinabi nito na palagi niyang prayoridad ang kaligayahan ng anak.

Noong taong 2017, sa ika-siyam na kaarawan ng panganay ni Camille na si Nathan, nag-iwan siya ng isang matamis na mensahe para rito sa isang Instagram post. Tinawag niya itong “dahilan ng kanyang pagkatao”. Muli niyang ginunita ang lahat ng nakamit ng bata at sinabi nyang taas-noo siyang maging ina nito mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda ni Nathan. Ani niya, biniyayaan siya ng Panginoon ng isang mabuting anak at talaga namang wala na siyang mahihiling pa na makakahigit rito. Ipinalangin rin ng ina na lumaki si Nathan sa ilalim ng gabay ng Diyos, ama na si VJ Yambao, at siya bilang ina nito. Dagdag ni Camille, sana ay magsilbing halimbawa ng bata ang mabuting salita ng Diyos sa lahat ng gawain nito. Sa huli, sinabi ni Camille sa bata nagiging emosyonal siya sa bilis ng paglaki ng bata at habambuhay niyang paghahawakan ang puso niya bilang ina nito. Kalakip ng mensahe ang mga katagang “Happy birthday” at “I love you little man”.

Samantala, may mensahe rin si VJ Yambao sa bata. Pinasalamatan nito si Nathan sa pagdala ng ligaya sa kanilang buhay. Tinawag niya itong “anak” o “son”.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top