Now Reading
Mga OOTD Para Makasabay sa Uso Ngayong 2019

Mga OOTD Para Makasabay sa Uso Ngayong 2019

Hindi ba’t tuwing lalabas ka na lang ay palaging palaisipan kung ano ang iyong isusuot kahit na puno ng damit ang iyong aparador? Kay rami mong damit ngunit para bang wala kang maisuot dahil hindi mo “feel” o di kaya’y wala ka sa mood para isuot ito. Mga babae nga naman. Sadyang nagiging komplikado ang dapat na napakasimpleng buhay. Ano sa tingin mo? Aminin man o hindi, bawat isa sa atin ay may tinatagong hilig sa pagdadamit. Bukod sa magandang pakiramdam na naidudulot nito, komportable kang nakakagalaw at naipapakita mo rin sa pamamagitan nito ang iyong personalidad.

Ano ang masasabi mo sa mabilis na pag-ikot ng istilo ng pananamit? Sinusubaybayan mo ba ang uso at nakakasabay ka ba rito? Pagdating sa fashion o pagdadamit, dalawang bagay ang dapat tandaan: inspirasyon at pagiging malikhain. Mula sa mga damit na nariyan na sa loob ng iyong aparador, maaari kang makabuo ng kasuotan na kapansin-pansin at siguradong magpapalingon kung marunong kang mag-pares at kombinasyon sa tamang paraan. Ngayong 2019, sangkatutak na mga kasuotan nanaman ang nakapila sa uso. Para di mapag-iwanan, handog namin sa inyo ang ilan sa mga outfits o kasuotan na patok ngayong taon na ito!

Black and white

Source: Pinterest
Source: BTD Daily

Simple pero may dating. Yan ang nagagawa ng tamang pagkombinasyon ng kulay. At para walang palya, magsuot ng black and white na kasuotan gaya nito. Bukod sa komportable, uso at maganda tignan, Maaari mo rin gamitin sa ibang paraan ang bawat piraso ng damit dahil ang kulay na itim at puti ay madaling bagayan ng kahit ano.

Puffed sleeves

Source: Harpers Bazar
Source: Maria J
Source: kamkhoj

Muling nagbabalik sa uso ang mga manggas na nakatayo o tinatawag na “puffed sleeves”. Kadalasan itong pinapares sa pantalon, pero pwede rin ito sa palda. Ang puffed sleeves ay isang makalumang istilo ng damit na nagmula nung Victorian era.

All white

Source: Cosmo

Bukod sa malinis tignan, elegante rin ang dating pag ang suot mo ay puti. Pwede mo itong samahan ng konting alahas gaya ng bangles, bracelets, hikaw at kwintas na kulay pilak o ginto. Maganda rin itong ipares sa bag na puti o cream gaya ng nasa larawan.

Statement sneakers

Source: mtmercy
Source: Pinterest

Ang mga sapatos na ito ay hindi magpapahuli ngayong 2019. Malaki at makulay at maaaring ipagkombinasyon sa anumang kasuotan lalong lalo na sa pantalon, tokong, at mini skirts.

See Also

Bamboo basket bags

Source: Pinterest
Source: Pinterest

Para kumpleto ang iyong OOTD, wag kalimutan ang accessories gaya ng bag na ito na gawa sa bamboo. Ang yari ng mga bag na ito ay nakakatawag ng pansin dahil sa kakaibang istilo nito. Nakakapag bigay ito ng buhay sa anuman kasuotan: mapa pantalon man o bestida.

Statement earrings

Source: Cosmo

Mistulang may nakaipit na bulaklak sa tenga ang itsura ng mga naglalakihang hikaw na ito. Malayo pa lang ay talaga naming kapansin-pansin na ang hikaw na suot mo. Ang mga makukulay na statement earrings ay lalong maganda sa kababaihang mahaba ang buhok. Huwag kaligtaan na pagtugmain ang kulay ng hikaw sa suot na damit at pati na rin sa okasyon.

Source: Preview
View Comments (0)

Leave a Reply

Your email address will not be published.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top