Now Reading
Mikael Daez – May Bagong Koleksyon ng mga Underwear na Siya Mismo ang Nag-disenyo

Mikael Daez – May Bagong Koleksyon ng mga Underwear na Siya Mismo ang Nag-disenyo

Source: Google

Kilala ba ninyo kung sino ang nobyo ng Miss World 2013 na si Megan Young? Siya ang tatlumpu’t isang taong gulang na si Mikael Daez – isang modelo, news anchor, TV host, artista, at vlogger. Anim na taon nilang nilihim ang kanilang relasyon hanggang sa nagdesisyon ang dalawa na isapubliko ito pagkatapos ng anim na taon.

Mula noong taong 2014, ineendorso na ni Mikael ang tatak na “Hanford” at kamakailan lamang ay tinanghal siya bilang “brand ambassador” nito. Noong ika-dalawampu’t dalawa ng Agosto ngayong taon, ginulantang ni Mikael ang kanyang mga fans dahil inilabas niya ang isang koleksyon ng mga panlalaking underwear na kanyang dinisenyo. Sinabi ni Mikael sa kanyang speech sa product launch na lubos niyang ikinagagalak ang parangal bilang unang brand ambassador ng Hanford. Ani niya, hindi siya makapaniwala na mayroon na siyang sariling line ng mga underwear at sinabi niyang taas-noo niya itong inaalay sa mga kapwa niya Pilipino. Ginunita rin ni Mikael kung paano nagsimula ang ideyang ito tatlong taon na ang nakalipas. Dagdag ni Mikael, sinimulan nilang buuin ang proyekto kung saan natutunan ni Mikael ang proseso ng pag-gawa ng underwear noong taong 2018.

Source: Google

Pitong iba’t ibang produkto ang kasama sa koleksyong ito. Kabilang rito ang ilang boxer briefs, boxer shorts at compression attire. Bawat isang produkto ay dinisenyo mismo ni Mikael batay sa kanyang sariling personalidad. Ani niya, mahilig siyang mag-travel, pumunta sa beach, at maglaro ng computer games kaya dito niya hinango ang inspirasyon sa kanyang mga disenyo. Tinawag niya itong Mikael Daez x Hanford at maaari itong bilihin simula sa unang araw ng Setyembre ngayong taon.

See Also

Source: Google

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top