Now Reading
Multiple Earrings Ba Kamo? `Cause, Why Not?

Multiple Earrings Ba Kamo? `Cause, Why Not?

Isa ang earrings o hikaw sa mga aksesorya o palamuti na ating isinusuot sa ating katawan. Madalas mayroon lamang tayong iisang butas sa ating magkabilang tenga upang paglagyan ng hikaw at dahil nauuso at nagbabalik ang tinatawag nating multiple earrings o layered earrings na kung saan ay hindi lang iisa ang butas ng ating tenga kundi madami na nakapalibot sa ating ear lobes kung saan ilalagay o isusuot ang mga hikaw. Napakarami nang produkto at mga jewelry brand ang naglalabas ng tinatawag na earrings set dahil sa ito nga ay nauuso, bukod sa ma-porma at napaka stylish nito nagsisilbi din itong paraan ng pagpapahay ng sarili. Madalas ay natatakot ang iba sa paglalagay ng mga ito dahil sa hindi natin alam kung paano o ano ang mga tamang hikaw para sa atin, kaya naman kung nais mong subukan ang multiple earrings ibibigay naming sa inyo ngayon ang mga celebrities na sumubok ng pinaka bagong trend na ito.

Makukumpleto ang iyong glam look sa ating unang inspo na si Nadine Lustre, tignan ang kanyang glam look gamit ang multiple earrings.

Para naman sa isang matagumpay na pelikula ni Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye kung saan ay nagtungo sila sa Dubai upang i-rpomote ang kanilang movie, ibinahagi nya ang kanyang bagong style na kung saaan makikita ang kanyang very fashionable multiple earrings.

At syempre hindi rin papahuli ang isa sa mga iconic celebrity dito sa Pinas na si Heart Evangelista,at alam nating lahat na napakahilig nya sa mga accessories kaya naman hindi mo aakalain na maaring maging classy at chic ang iyong look sa mga layered earrings na ito.

View this post on Instagram

I hear Dior… 👂❣✨

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Si Sue Ramirez naman ay kilala sa kanyang sariling istilo kagay ng kanyang mga minimalist na earrings.

Hindi rin magpapahuli ang isa sa mga miyembro ng sikat na Korean girl group na si Rose, tignan ang kanyang dope multiple earrings.

View this post on Instagram

Throwback KTL🖤

A post shared by ROSÉ (@roses_are_rosie) on

Kaya huwag ng matakot subukan ang multiple earrings mga ka-SHY! Gawing inspirasyon ang ating ma idolo sa panibagong trend na ito!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top