Now Reading
‘My Korean Jagiya’ Star Alexander Lee, Ga-Graduate Na!

‘My Korean Jagiya’ Star Alexander Lee, Ga-Graduate Na!

Isa ka rin ba sa pinakilig ng palabas na My Korean Jagiya na pinagbidahan nina Heart Evangelista at former U-KISS member, Alexander Lee. Saan na nga ba sya nagpunta matapos ang teleserye? Ano na ang nangyari kay Alexander Lee?

Si Alexander Lee o mas kilala sa pangalang Xander ay bumalik sa kolehiyo noong taong 2014 at kumuha ng kursong Journalism at Mass Communication. Ayon sa kaniya, ginawa nya ito upang matupad ang kahilingan ng kaniyang mga magulang na ituloy ang kaniyang pag-aaral kahit ano man ang mangyari.

Sa isang interview sinabi niya na, “One of the biggest reasons is I promised myself and my family that I will continue studying no matter what. So I think now is a good timing.” Kaya’t matapos ang kanyang teleserye sa GMA na My Korean Jagiya, bumalik na siya sa Korea at pinagpatuloy ang kanyang nasimulan.

Sa kanyang Instagram post, kaniyang ibinahagi ang kaniyang kasiyahang sa nalalapit na pagtatapos. Isang mahabang post ang kaniyang ibinahagi dahil din sa tagal niyang hindi nagparamdam sa kaniyang mga tagahanga.

Agad naman itong umani ng maraming reaksyon ng kasiyahan at pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at kaniyang mga dating katrabaho sa GMA. Ang kanyang nalalapit na graduation ay sa darating na taong 2020. Nais muna niyang magpahinga at mag-travel bago ang kaniyang nalalapit na graduation.

Talagang well-deserved ang kanyang nais dahil sa nalampasan niya at sa kaniyang pagpupursigi habang siya ay nag-aaral.

Kaya’t inaabangan ng lahat ang kaniyang mga susunod na kabanata sa buhay ni Alexander Lee — sa kanyang tinatahak na buhay at kaniyang career bilang isang actor at magaling na singer. Nais mapanuod muli ng mga tagahanga ang kanyang pagbabalik telebisyon o sa paggawa ng mga kanta. Talagang kaabang-abang ang mga susunod na update sa buhay ng ating Korean star na si Alexander Lee. Congratulations!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top