Now Reading
Nagbabalik Ang Mga Hair Accessories At Hindi Mo Ito Dapat Palampasin

Nagbabalik Ang Mga Hair Accessories At Hindi Mo Ito Dapat Palampasin

Naalala mo pa ba ang mga panahon na kung saan ay usong-uso ang pagsusuot ng makukulay, magagarbo at malalaking hair accessories o yug mga tinatawag nating head band, ribbon, tali ng buhok, hair clips at kung anu pang iba’t ibang pwede nating ilagay sa ating buhok. Malamang ay isa ka sa mga 90s babies na nakaranas nyan at hindi ka nag iisa ka-SHY, maging kami dito sa SHY ay naranasan na gumamit at magkaroon ng mga bagay at accessories na gaya ng aming nabanggit, madalas nga ay nagpapayabangan pa dati lalo na sa mga kalaro o sa eskwelahan. Kay sarap balikan ng mga alaala ngunit mas masarap siguro at masaya kung maari ulit natin itong isuot? Posible kaya? Posible mga ka-SHY dahil sa panahon ngayon ay muling nagbabalik ang ganitong klaseng fashion statement, sabihin na natin na nagbago lang ng kaunti dahil ito ay modern na, kaya naman ngayon ay ibabahagi naming sa inyo ang ilang hair accessories na pwedeng pwede mong subukan kahit (medyo) hindi na tayo bata, na makakapagbigay ng istilo at siguradong kukumpleto sa iyong itsura.

Headbands

Kung dati ay nalalakihan at sobrang magarabo ang mga headbands sa panahon ngayon isa parin ito s amga pasok na katangian ngunit sa modernong paraan, tignan ang ating mga halimbawa sa istilo na ito.

Velvet headband

Padded headband

Satin Headbands

View this post on Instagram

20M 🌏 thank you world

A post shared by J (@jennierubyjane) on

At kung mahilig ka naman sa pony tail o pantali ng buhok nariyan ang mga modernong scrunchies.

Neon Scrunchies

View this post on Instagram

🚦Neon Satin Scrunchies🚦

A post shared by H Λ N Λ S.🌹 (@hanasdesigns) on

Rainbow Scrunchies

Nariyan din syempre ang mga Bows na magbibigay ng vintage at classy look.

See Also

At ang kinahihiligan nating mga kababaihan ang mga hair clips at hair pins,teka, hindi na ito ang mga nakasanyan natin dati, bukod sa mas dumami ang klase nito, iba`t-ibang disenyo narin at istilo ang maaring pagpilian.

Makisabay sa nauusong istilo at lalo pang pagandahin ang iyong buhok sa mga hair accessories na ito mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top