Now Reading
Nahanap na namin ang mga cute at sexy outfit na bagay saiyo!

Nahanap na namin ang mga cute at sexy outfit na bagay saiyo!

Likas sa ating mga kababaihan ang sumubok ng iba`t-ibang klase at uri ng istilo sa pananamit at fashion statement. At sa panahon ngayon napakaraming kababaihan na nakadepende ang istilo sa kanilang mga iniidolo o sa mga artista na kanilang gusto. Madalas na ginagaya natin ang kanilang istilo sa pananamit, kagaya na lamang ng artistang si Nadine Lustre sa kanyang dope na outfits, sexy tignan ngunit kaaya-aya parin tignan. At dahil dito bibigyan namin kayo ng mga ideya ngayon dito sa SHY ay siguradong maiiba naman ang inyong istilo pagdatig sa pananamit. Ihahatid naming sainyo ngayon ang isang istilo na sexy at fierce ngunit disente at cute parin tignan. Dahil alam naming nais din ng ibang kababaihan ang istilo na kung saan ay mas maihahayag ang sarili sa paraan na kanilang gusto-ang maging sexy at bakit hindi? Siguradong magiging head turner ka sa mga outfit na ito!

Magpakita ng killer legs sa mga romper outfit na ito! Sa dami ng pagpipilian na kulay, disenyo at istilo ng romper na ito ay siguradong hindi ka mawawalan ng pagpipilian. Bagay na bagay ito sa kahit anong klase ng okasyon dahil sa mga istilo nito, kung nais mo man ng casual at hanggang sa pormal.

Subukan ang nauusong puff sleeves na talaga namang cute ang dating. Terunahn lang ito ng tamang trouser o pants o kaya naman palda ay siguradong lalabas ang iyong curves sa damit na ito.

Syempre hindi mawawala ang off shoulder na damit kung nais mong maging kaayaya o cute at maging sexy! Bukod sa napakimple ng damit na ito ay nakakapayat ang daing ng off shoulder. Isa rin ito sa mga outfit na hindi mawawala sa kahit na anong closet!

Subukan naman ang mga coords set kagaya ng nasa larawan, marami ding kulay at istilo na maari mong pagpilian, hindi ba`t ang sexy at cute nitong tignan mga ka-SHY?

At hindi rin syempre mawawala ang nauusong mesh outfit! Isa itong uri ng tela na manipis o see through kung tawagin na madalas ay pamatong sa mga pang loob na damit. O diba talagang makikita ang curves at sexy mong katawan sa otfit na ito.

Narito pa ang ilan sa mga mesh outfit na dapat mong subukan.

See Also

At syempre pwede in sa mga pormal na event gaya ng nasa larawan.

At wala nang mas se-sexy pa sa mga outfit na croptop, dahil sa cut ng damit ay mas mailalabas mo ang iyong curves na ternuhan mo pa ng shorts o kaya naman ay jeans! Certified chic look ang ma-achieve mo sa outfit na ito.

Kahit anu pa man ang iyong sukat ay siguradong may babagay na suotin sa inyo mga ka-SHY sa mga cute at sexy outfit na hatid namin sainyo! Tandaan lamang na laging maging confident sa iyong sarili para mas maging maganda pa ang iyong kasuotan at magslibing inspirasyon sa iba gamit ang mga cute, fierce at sx outfit na ito! Kaya subukan na ang mga outfit mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top