Now Reading
Nanganak Na Si Georgina Wilson At Ito Ang Ilang Pasilip Sa Kanyang Second ‘Adobo’

Nanganak Na Si Georgina Wilson At Ito Ang Ilang Pasilip Sa Kanyang Second ‘Adobo’

Sinong hindi makakalimot sa cute na cute na anak ni Georgina Wilson at Arthur Burnand na si Archie, na nakilala dahil sa pagkahilig nito sa sikat na ulam ng mga Pinoy na ‘adobo’. At nito ngang nakaraang Marso masayang inanusyo ni Georgina Wilson ang kanilang pagkakaroon ng pangalawang anak at sa kanyang Instagram post nilagyan nya ito ng caption na, “Another adobo coming right up.” At nagdala ng kasiyahan at pagkasabik sa mga followers at mga taghanga nito.

View this post on Instagram

Going into labor like…..

A post shared by Georgina Wilson💋 (@ilovegeorgina) on

Ibinahagi ni Georgina Wilson noong ika-30 ng Hunyo 2019 ang kasarian ng kanilang pangalawang anak at ito ay lalaki at makaraan ang ilang araw nang i-post ito, isang nakakaaliw na labor picture ang kanyang ibinahagi na ikinatuwa ng karamihan. Ito ay isang litrato na kung saan nag-lalagay si Georgina Wilson ng makeup habang nagle-labor at sinamahan pa ng witty na caption na lalong nakapag-bigay ng excitement sa kanyang mga fans.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Georgina Wilson ilang araw matapos siyang manganak na kung saan makikita si Archie at ang kanyang ama na si Arthur Burnand na nakahalik kay Alfred Thor Crichton Burnand, ang kanilang ikalawang lalaking anak. Masdan sa larawan kung gaano sila kasaya at giliw na giliw sa pagdating ng kanilang bagong miyembro ng pamilya.

Ilang mga kilalang artista ang nagpahayag ng kanilang pagbati kay Georgina Wilson sa kanilang masayang moment.

Masaya at excited ang mga tagasubaybay ni Georgina Wilson sa bagong yugto ng buhay ng modelo, at ang kanilang inaabangan ay kung sino kaya ang kamukha ng kanilang second baby boy? Iyan ang ating dapat abangan!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top