Now Reading
No Make-Up Look At Fresh Skin? Skin Tint Lang Yan!

No Make-Up Look At Fresh Skin? Skin Tint Lang Yan!

Isa and foundation sa mga makeup products na pinaka gamitin nating mga kababaihan, dahil ito ang nagsisilbing base sa ating mukha upang maging pantay ang ating kulay, matakpan ang ating mga flaws o blemishes at madalas ay para mabago rin ang kulay ng ating balat. Madalas nga ay dahil sa full coverage na hatid ng foundation ay masyado itong mabigat sa ating balat o kaya naman ay nago-oxidize ito kaya`t minsan ay hindi nagiging angkop ito sa ating itsura. Isama mo narin ang moisturizer, sunscreen at iba pang inilalagay sa ating mukha bago ang ibang produkto. At kung iisipin maari itong magbara sa ating mga pores na makakapagdulot ng blackheads, whiteheads at kung hinid natin ito lilinisan ng mabuti ay nagkakaroon tayo ng pimple. Kaya naman kung ayaw mo ng ganitong pakiramdam sa foundation ay dapat mong subukan ang “skin tint”, anu nga ba ito at anu ang pinagkaiba nito sa tinted moisturizer at tinted sunscreen?

Ang skin tint ay isang lightweight foundation may mga produktong naglalaman ng SPF at mayroon namang wala, mayroon din itong buildable coverage na may matte o natural na epekto sa balat kaya kung mas feel mo ang “no make up” trend, skin tint ang dapat mong subukan. Ang tinted moisturizer naman ay nakakapag-hydrate ng balat ngunit kaunti lama ng ang coverage nito samantalang ang tinted sucscreen ay walang coverage sa balat at maximum SPF protection ang ibinibigay sa ating balat. Dahil madalas ay naiisip natin na pare-pareho lang ang epekto ng skin tint, tinted moisturizer at tinted sunscreen sa ating balat. Kaya naman ibibigay naming sa inyo ang mga best skin tin products na angkop sa inyong balat.

Finn The Label Dewy Skin Tint SPF10

Mayroon itong sampung shades na ginawa para sa kulay ng balat ng mga Pinay, fair, light, medium, tan, at brown complexions ay siguradong mayroon kang mahahanap na angkop na kulay para sa iyo.

Pixi H2O Skintint Tinted Face Gel

Sinong magaakala na mayroon kang suot na makeup? Dahil sa breathable na epekto nito at napaka safe para sa mayroon combination at oily skin type.

Make Up For Ever Ultra HD Perfector Blurring Skin Tint

Source: Zalora

Long wearing at hindi greasy sa balat ang uri ng skin tint ng Make Up For Ever.

Peripera Ink Blurring Skin Tint

Bukod sa skiat na Lip tint ng Peri-pera mayrron din silang skin tint na maari mong gamiting primer na nakakapag paliit ng pores at nakakapag even ng skin tone.

BLK Skin Tint Sun Shield SPF 30

Ang bagong labas ng BLK na may natural finish at matatakpan ang acne marks, dark spots at iba pang blemishes ng balat.

Subukan na ang mga skin tint na ito para ma-achieve mon a ang “no make up look” na gusto mo.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top