Now Reading
Panuorin ang teaser ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo “Unforgettable”

Panuorin ang teaser ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo “Unforgettable”

Sarah Asher Tua Geronimo o mas kilala natin sa pangalang Sarah Geronimo ay nanalo sa patimpalak na Star For A Night noong 2003 sa edad na 16 ipinakita ni Sarah ang kanyang talent at galling sa pagkanta, pagsayaw at pag arte. At sa mga nagdaang taon ng kanyang career ay isa na sya sa tinaguriang pinaka sikat sa kanyang henrasyon, ang kanyang natatanging talent sap ag kanta at ang kanyang laging punong concert dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa kaya siya tinaguriang “Popstar Royalty”. At kamakailan ibinahagi ni Sarah ang kayang sariling makeup line na Popstar at ang kanyang maswerteng love life sa kanyang matagal nang nobyo na si Matteo Guidicelli.

At pagdating naman sa buhay pelikula hindi rin papahuli ang ating Popstar Royalty, ilan sa mga pinka sikat nyang pelikula ay ang mga pelikula nila ni John Llyod Cruz na nagsimula sa “You Changed my Life” at nasundan ng 3 pang sequel at ang kanyang pelikula nito lamang 2018 na pinamagatang Miss Granny kung saan nakasama niya dito si Jamed Reid.

At noong Sabado, Agosto 31, ibinahagi na sa publiko ang unang teaser ng bagong pelikula na muli ay pagbibidahan ni Sarah G. sa ilalim ng Viva Films ang Unforgettable. Makikita sa trailer na mayroon siyang kasamang aso, kaya`t tamang-tama ito sa mga dog lover, ayon kay Sarah G. napaka-challenging ng role nya dito, at ibang-iba umano ito sa kanyang mga nagdaang pelikula at siguradong masu-sorpresa ang kanyang mga fans at manunood.

Bukod dito napakarami ding artista ang magkakaroon ng cameo appearance, sa trailer makikita na ang paglabs ng Asia`s Song Brid Ms. Regine Velasquez, may pasilip din ang Viva sa kanilang Instagram account kung saan makikita si Anne Curtis at kamakailan ay ang mga batiking actor na sina Tirso Cruz III at Cherie Gil. Makakasama din ni Sarah G. sa nasabing pelikula sina Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial, Gina Pareño, and Yayo Aguila. Narito ang teaser ng pelikula na dapat nyong abangan.

Mapapanuod ang Unforgettable sa mga sinehan sa Oktubre 23.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top