Now Reading
Papasok sa Trabaho? Narito ang ilang OOTD para Magmukhang “Lady Boss”

Papasok sa Trabaho? Narito ang ilang OOTD para Magmukhang “Lady Boss”

Sa tingin mo ba ay hindi mahalaga ang panlabas na anyo sa iyong trabaho? Nagkakamali ka. Maaaring ang kalidad ng iyong trabaho ang pinakamahalaga, ngunit ang iyong panlabas na anyo ay mag-iiwan rin ng isang “impresyon” sa iyong mga katrabaho, kabilang na doon ang iyong boss. Hindi lahat ng trabaho ay may “dress code”, ngunit hindi nangangahulugan na maaari mong isuot dito ang karaniwan mong isinusuot sa pamamalengke o pamamasyal.

Importante ang tamang pagdadamit sa trabaho lalong lalo na sa mundo ng mga propesyonal dahil di lamang nito papaigtingin ang iyong kumpiyansa sa sarili, ngunit mapapabilib mo rin ang ilang tao sa itsura pa lang. Ang wastong pag-aayos ng sarili at tamang pagdadamit ay maaaring magbigay daan upang maging ka-respe-respeto ka di lamang sa mga empleyado na mas mababa sa iyo kundi pati na rin sa mga nakatataas.

Source: Google

Sa larangan ng trabaho o negosyo kung saan kailangan mong makipagkita at makipag-usap sa iba’t ibang tao, ang tamang pananamit ay isang imahe ng kumpanya o negosyo na iyong isinasakatawan. Kadalasan, hindi mo alam kung sino ang iyong makakasalamuha sa isang araw kaya maigi nang magsuot ng mga damit na karespe-respeto at pang-propesyonal. Sa katunayan, may isang pag-aaral na isinagawa ang Center for Professional Excellence sa York College sa bansang Amerika noong taong 2010. Napag-alaman rito na ang panlabas na anyo ay pumapangalawa sa paraan ng pakikipag-usap pagdating sa “professionalism”.

Tandaan, ang pinakamahalaga ay magmukha kang malinis at kagalang-galang maging anuman ang trabahong iyong pinapasukan. Bukod sa pangkaraniwan na “slacks” at “longsleeves”, maraming paraan ng pagdamit ang maaari mong pagpilian para magmukhang “Lady Boss”.

Longsleeves at slacks

Source: Google

Ang karaniwang imahe na pumapasok sa ating isip pag sinabing “smart attire” ay ang kombinasyon ng longsleeves at slacks. Ang malambot na pantalon gaya nito kapares ang pantaas na may mahabang manggas na may kuwelyo o collar ay siguradong mag-iiwan ng magandang impresyon sa sinuman. Iwasang magsuot ng maraming alahas para mas lalong maging propesyonal ang dating.

Source: Google

Blazer

Source: Google

Nakakadagdag ng magandang impresyon ang pagsuot ng blazer dahil bukod sa professional ang dating, maganda at malinis itong tignan. Ipares ito sa closed shoes at iwasang magsuot ng mga sapatos na bukas ang harap o likod.

See Also

Palda

Source: Google

Kung magsusuot ng palda, tiyaking ang haba nito ay lampas sa ilalim ng tuhod. Ang mga palda na maikli ay hindi magandang tignan dahil hindi ito pang-propesyonal. Umiwas sa matitingkad na kulay gaya ng pink, neon green, o dilaw. Huwag kalimutang ayusin ang buhok at iwasang ilagay ito sa harap ng balikat upang hindi matakpan ang mukha.

Bistida

Source: Google

Bukod sa malinis nang tignan, mukhang “smart” o matalino ang mga babaeng nakasuot ng bistida sa trabaho. Maaari itong ipares sa blazer kung nais. Samahan ito ng sapatos na may bahagyang taas ng takong. Iwasan ang mga sapatos na may matataas na takong dahil bukod sa maaari kang matapilok, masakit ito sa paa kapag suot buong araw. Palaging isaisip ang ginhawa nguni

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top