Para Sa Iyong Monolid Eyes, Ito Ang Sagot Sa Iyong Mga Dasal

| | ,

Mayroon ka bang monolid eyes? O yung mata na walang eyelids? Ang pagkakaron ng monolid eyes ay karaniwan sa mga Asian countries at dahil taong mga Pilipina at kasama sa Asian countries may mga pagkakataon na may mga tang kabilang sa pagkakaroon ng monolid eyes. At dahil iisa lang ang crease o linya sa eyelids ay nahihirapang makahanap ng aangkop na look at itsura ng makeup. Ang crease ay ang linya na nakkapbigay hulma o shape sa ating mata. Pero huwag kayong mag- alala mga ka SHY naming may monolid eyes, dahil narito kai upang kayo ay tulungan at masulusyonan ang inyong problema. Ituturo naming sainyo ang iba`t-ibang makeup o look na makakapagbigay buhay sa inyong mata at mga technique upang mas lalo pa nating mapaganda ang unique features nyo!

Natural look

Source: Google

Para sa mga kababaihan mas gusto natin sa panahon ngayon ng natural beauty at maging sa makeup ay nauusong ang tinatawag na “no makeup look” may makeup ngunit dahil sa light ito ay magmukuhang wala tayong suot o gamit na makeup. At para sa inyong monolid eye ito ay posible! Gamit lamang ang beige eyeshadow, eyeliner gel, pencil o liquid at brushes. Gamit ang beige eyeshadow iblend ito sa iyong eyelids, tandaan na huwag kapalan ang lagay upang maging natural alang ang istura nito. Maglagay ng classic na winged eyeliner, isang manipis na linya para sa iyong lash line at makapal para naman sa wing nito. At siguradong mag perk up ang iyong mata sa natural look na ito!

Smokey Eye

Source: Google

Para sa look na ito, kailangan ng eyeshadow palette na may dark shades, shimmer eyeshadows, eyeliner ay mascara o pwde rin gumamit ng falsies o fake lashes. Gumamit muna ng neutral color ng eyeshadow upang maging base, gumamit ng black eyeliner upang makagawa ng makapal na linya sa taas na bahagi ng lash line at gumamkt ng stiff brush upang i-blend ito ng maayos. Mag apply ng dark eyeshadow sa buong lid at i-blend ito hanggang sa magkaroon ng gradient effect. Maglayagay ng shimmer eyeshadow sa lower lash line at highlighter para sa mas buhay na mata.

Pop of Color

Source: Google
Source: Google

At para sa iyong nais na makulay na mga mata, kailangan lang ng cream eyeshadow, eyeshadow palette, eyeliner, highlighter ay mascara. Ang paggamit ng cfeam eyeshadow ay mas nagtatagal kasyas sa ordinaryong eyeshadow at mas kita ito lalo na kung maayos ang pagkakablend. Maglagay ng cfea, eyeshadow sa outer lash line at i-blend ito paloob, maglagay din ng nais na complementary color nito sa buong lid at i-blend. Maglagay ng wing eyeliner t highlight sa ibaba ng eyebrows at sa tear duct upang mas buhay. Maari ting maglagay ng ibang kulay ng eyeshadow sa waterline para sa mas colorful na mata.

Iba-ibahin lang ang eyeshadow at siguraduhing maglagay ng mas makapal at tama lang na eyeliner para sa fuller effect sa mata. Subukan na ang mga makeup tips na ito, kaya huwag ka nang mangamba na mayroon kang monolid dahil ito na ang sagot sa iyong mga problema mga ka-SHY!

Previous

Ang Mga Liquid Lipstick Para Sa Mga Laging On-The-Go!

Turn Up the Volume as Seventeen Releases Their “HIT” Single

Next