Para sa Mga Aldub Fans: Alamin ang Storya sa Likod ng Pagtatapos ng “Kalyeserye”

| | ,

Bata man o matanda, imposibleng hindi ka nanuod ng Eat Bulaga. Ito ang pinakamatagal na variety show sa Pilipinas na nagsimula noong 1979. Sa ilalim ng broadcasting company na GMA Network, at produksyon ng Television and Production Exponents Inc. o TAPE, ang Eat Bulaga ay pinapalabas sa buong mundo sa pamamagitan ng GMA Network TV at livestreaming sa YouTube. Sa katunayan, ipagdiriwang nito ang ika-apatnapung anibersyaryo sa Hulyo 30, 2019.

Noong buwan ng Hulyo taong 2015, nabuo ang isang live soap opera segment sa Eat Bulaga na tinatawag na Kalyeserye. Tampok sa teleseryeng ito ang sikat na loveteam na “Aldub” na kinabibilangan nina Alden Richards at Maine Mendoza o mas kilala bilang “Yaya Dub”. Ang kwento ng palabas na ito ay tungkol sa dalawang magkasintahan na nag-uusap sa pamamagitan ng lip sync at mga sulat. Umikot ang istorya nito sa makalumang paraan ng panliligaw kung saan pinahahalagahan ang respeto sa nakatatanda at sa kasintahan sa tamang panahon. Mula sa ilang minuto, tumagal ang Kalyeserye sa kalahating oras hanggang sa mahigit isang oras dahil sa dami ng naghuhumaling dito. Ang Kalyeserye ay maroon ding mga tampok na drama, comedy, at reality show. Kasabay ng tagumpay ng teleseryeng ito ang mas lalong pagsikat ng Eat Bulaga noong ika tatlumpu’t anim na taon nito. At syempre, naging kilala rin ang mga bida na sina Maine Mendoza at Alden Richards. Pansamantalang nagtapos ang Kalyeserye noong Setyembre 2016 at pormal na natapos ito noong Disyembre ng parehong taon.

Sa kalagitnaan ng taong 2018, nagdesisyon ang magka-love team na sina Yaya Dub at Alden Richards, o mas kilala ngayon bilang “Pambansang Bae” na maghiwalay ng landas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanya-kanyang proyekto kung saan hindi na sila magkasama. Uminit ang kontrobersyang ito dahil libo-libong tagasubaybay ang nagpahayag ng samu’t saring reaksyon at opinyon sa paghihiwalay ng dalawang hinahangaang idolo. Noong Hunyo 2018, muling nagbalik sa mundo ng teleserye si Alden sa palabas na “Victor Magtanggol”. At syempre, dito na pumasok ang mga bagong katambal ni Alden na sina Andrea Torres at Janine Gutierrez.

Ngayong taong 2019, inanunsyo ni Maine Mendoza ang kanyang relasyon kay Arjo Atayde, isang aktor mula sa broadcast network na ABS-CBN. Kahit na sinigurado ng Dubsmash Queen ang pagpapanatili ng maganda nilang samahan at pagkakaibigan ng dating ka-love team na si Alden, inulan ito ng batikos mula sa kanilang mga fans.

Previous

Mahilig Ka Ba Sa K-pop? Alamin ang Ulzzang Fashion at Kung Paano ito Makamtan

Jason Abalos Defends Girlfriend, “The Distracted Candidate” of Binibining Pilipinas 2019

Next