Para sa Mga Mahilig Mag-Leggings: Basahin Ito

| | ,

Ano ang leggings?

Ang leggings ay isang uri ng pambaba na hapit sa binti at may laylayan na hanggang bukong-bukong. Ito ay gawa sa makapal na tela na umaayon sa galaw ng nagsusuot nito kaya naman masarap ito isuot sa katawan. Dahil madali itong ipares sa halos kahit anong damit, paborito ito ng maraming kababaihan.

Paano ang tamang pagpili ng leggings?

Una, siguraduhing ang tela nito ay makapal at hindi madaling mapunit. Ang fit ay dapat tama lang – ibig sabihin, nakakapagbigay ito ng atensyon sa magandang hubog ng mga binti. Dahil kung ito ay sobrang hapit, hindi maganda ang magiging kalalabasan nito. At syempre, dapat ito ay multipurpose o maaaring gamitin kahit saan: mapa-eskwela man, job interview, trabaho, o ordinaryong araw sa mall. Mas mabuting mamuhunan sa isang maganda at dekalidad na leggings kaysa mag-aksaya ng pera sa mumurahin dahil siguradong maikli ang buhay nito at madaling masira. Ang uso na kulay ay karaniwang napapanahon, kaya kung ako ang tatanungin, pipiliin ko ang kulay itim dahil bagay ito sa halos kahit anong kulay ng damit. Pagdating sa tindahan, isukat ang leggings bago ito bilihin para siguradong tama ang sukat at haba nito.

Paano ang tamang pagsuot at paggamit nito?

Ilang panuntunan sa pagsuot ng leggings ang kadalasang nakakaligtaan ng mga kababaihan. Una na diyan ang pagsuot ng maling damit na panloob o underwear. Dahil natural na hapit ang yari nito, ang dapat mong isuot na panloob o underwear ay yung hindi bumabakat sa balakang o puwitan. Gumamit ng thong o kahit anong panty na walang tahi o yung tinatawag nilang “seamless” para maiwasan ito. Piliin ang tamang kulay na tugma sa isa’t isa. Kapag mali ang kombinasyon ng kulay, masakit ito sa mata at hindi kapansin-pansin. At syrempre, huwag kalimutang gumamit ng tamang sapatos. Ang tsinelas ay hindi angkop sa pagsusuot ng leggings. Pumili ng sapatos na sarado sa harap at iwasan ang sandals.

Narito ang ilang mga larawan ng mga kasuotan na gumagamit ng leggings. Halina’t tignan ang bawat isa at pumili ng para sa iyong susunod na lakad kasama ang pamilya o barkada!

Pagpasok sa eskwela

Hindi ba’t ang gaan tignan ng kasuotan na ito? Bagay ito sa anuman kaswal na kaganapan gaya ng pagpasok sa eskwela o paglabas kasama ang mga kaibigan. Ipares ito kasama ng rubber shoes o sneakers para sa mas lalong komportableng pananamit.

Para sa iyong job interview

Source: Pinterest

Kung nais magbigay ng maganda at positibong first impression sa pag-aaplay ng trabaho, maaaring isuot ang leggings kasabay ng sapatos na may takong at pantaas na mahaba ang manggas. Pwede ka rin magdala ng isang maliit na clutch bag kung saan maaari mong ilagay ang iyong cellphone, pera, at iba pang mahahalagang kagamitan.

Para sa may ka-date

Source: Pinterest

Mag-ala-prinsesa sa mahalagang gabing ito para tuluyang ma-inlab ang ka-date mo sa iyo. Isuot ang leggings sa ilalim ng iyong maikling bestida at ipares ito sa sapatos na may bahagyang takong. Di ba’t iba ang dating ng simpleng elegante? Huwag kalimutang ayusin ang buhok ng naaayon sa suot at lugar.

Para sa pag-ehersisyo

Para sa mga gustong maging sexy at mala-Victoria’s Secret model, ang leggings ay tiyak na isa sa mga pinakamahalagang damit sa inyong aparador. Magsuot ng cropped top o pantaas na labas ang pusod para ipagmalaki ang inyong abs, o kaya isang pantaas na walang manggas para kita ang inyong mga magagandang braso na ilang taon pinaghirapan sa gym. Para kumpleto ang kasuotan, magsuot ng sombrero o shades gaya ng nasa larawan.

Previous

Mga Abot-Kayang Makeup Brush Sets at Kung Saan ito Mabibili

Your Ultimate Guide To Stanning Blackpink

Next