Now Reading
Pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” – Magkakaroon Nga ba ng Sequel?

Pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” – Magkakaroon Nga ba ng Sequel?

Napanood niyo na ba sa takilya ang pinakabagong pelikula nina Kathyrn Bernardo at Alden Richards o “KathDen” na “Hello, Love, Goodbye?” Ang romantic drama na ito ay unang ipinalabas noong huling araw ng Hulyo nitong taon at sa loob lamang ng ilang linggo ay kumita ito ng mahigit P838 milyong piso. Ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina at kasalukuyang pumapangalawa sa pinakamatataas na kumitang pelikula sa kasaysayan ng Philippine box office na “The Hows of Us”, kung saan si Kathryn din ang bida. Ang storya ng pelikula ay tungkol sa isang domestic helper na si Joy na nakatagpo ng pag-ibig sa isang Pinoy na barista sa Hong Kong.

Bukod rito, ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay ang kauna-unahang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nagmula sa magkaibang network sa telebisyon at nakilala sa ibang mga love teams. Ang orihinal na ka-love team ni Kathryn ay ang nobyo nitong si Daniel Padilla sa ABS-CBN habang si “Yaya Dub” o Maine Mendoza naman ang katambalan ni Alden sa Eat Bulaga.

Ang pelikulang ito ay siya ring kauna-unahang pelikulang Pilipino na ipinalabas sa Dubai Opera sa bansang United Arab Emirates. Gaya ng pagsikat nito sa Pilipinas, mabilis rin itong nakilala sa Middle East dahil kumita ito roon ng mahigit isang milyong dolyar sa loob lamang ng ilang linggo. Bukod sa bansang U.A.E., mapapanood rin ang “Hello, Love, Goodbye” sa iba’t ibang bansa kung saan maraming Pilipino gaya ng Canada, Amerika, Australia, Guam, Hong Kong, Brunei, Saipan, Malaysia, Singapore, Taiwan, at New Zealand. Naka-schedule rin itong ipalabas sa mga sinehan sa bansang Cambodia, Japan, Spain, South Korea, Myanmar, Vietnam, Thailand, at Samoa sa nalalapit na mga araw. Ilang mga fans ang nagsabi na malaki ang inimprove ng pag-arte ni Alden sa pelikula habang si Kathryn naman ay sadyang magaling talaga na artista.

See Also

Sa isang interview sa Direktor na si Cathy Garcia-Molina, maaari itong magkaroon ng sequel. Ani nito, walang imposible at bukas sila sa anumang posibilidad na maaaring mangyari sa hinaharap.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top