Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger Hiwalay Na

| | ,

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at race car driver Marlon Stockinger hiwalay na.

Kinumpirma ang balitang ito ng manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez sa Pep.ph nito lamang Huwebes, Nobyembre 25. Nagtanong umano ang Pep.ph sa estado ng relasyon ni Pia at Marlon at sa papamamagitan ng isang text message ipinahayag ni Rikka ang sagot, “Yes, it’s confirmed and you can quote me on that” Sinabi rin ng managaer ni Pia na may mga hindi pagkakaintindihan ang dalawa na kalaunay naayos din naman. Ngunit diumating sa punto na naging on and off din umano ang relasyon ng dalawa, “On and off naman na matagal na, but yung final was September pa,” paghahayag ni Rikka.

View this post on Instagram

At the top with habibti 🇦🇪

A post shared by Marlon Stockinger (@marlonstockinger) on

Maaalalang nagdiwang ng ika-30 na kaarawan na si Pia sa Bali, Indonesia kasama ng kanyang mga malalapit na kaibigan at mga kandidatang kasabay sa Miss Universe noong taong 2015. At sa pagkakatong iyon ay hiwalay na umano sina Pia at Marlon. Mapapansin din na burado na ang mga larawan nilang dalawa sa Instagram account ni Pia. Naka-unfollow narin ang dalawa sa nasabing social media platform.

Ayon sa isang eksklusibong panayam ng Philstar.com sa isang source na taong malapit umano kina Pia at Marlon ay napuno na umano si Pia kay Marlon. Nawalan umano ng pasensya ang beauty queen sa kanyang nobyo at ang tinuturong dahilan ay ang pagkawala umano ng trabaho nito. “The only reason why their relationship lasted this long is because Pia is always busy and out of the country… If she was not busy, she would have wanted to get rid of that guy a long time ago,” dagdag ng source sa panayam nya sa Philstar.com.

View this post on Instagram

*caption this* 😂😅

A post shared by Marlon Stockinger (@marlonstockinger) on

Si Pia at Marlon ay naging magkasintahan sa loob ng halos tatlong taon, bukas na ipinahayag ni Pia ang pagkagusto nya sa professional race car driver na si Marlon kung saan madalas kuhanan ni Pia si Marlon ng mga litrato dahil sa pagkagusto niya sa binata. Sa isang pahayag noong 2018 sila ay tinanong kung may balak na silang magpakasal ngunit ayon sa dalawa ay marami pa silang plano, si Pia na marami pang gustong ma-achieve as an individual at ganun din sa car racing career ni Marlon.

Wala pang pormal na pahayag sina Pia at Marlon tungkol sa isyung ito.

Previous

Jane de Leon aka Darna is H&M’s newest endorser for Holiday Collection

Nutella is LIFE! The Nutella All-Day Breakfast Truck is available in now available in the Metro

Next