Now Reading
Pokwang Sinorpresa ang Kanyang Anak sa Kanyang ‘Dream Car’

Pokwang Sinorpresa ang Kanyang Anak sa Kanyang ‘Dream Car’

Siguro’y isa sa mga hinihiling ng bawat isa sa atin ay ang magkaroon ng sarili nating dream car, lalo na kung ito ay bigay o regalo sa atin. Isa sa mga magagaling na komedyante at aktres sa panahon ngayon at isang ring tinagurian na Mama ng lahat na talaga namang may puso ng isang dakilang ina walang iba kundi si Marietta Subong o mas kilala natin sa pangalang Pokwang.

Hindi lingid sa ating kaalaman na si Pokwang ay isang Mabuti at ulirang ina, panay pa ang post ng komedyan sa kanyang Instagram account ng kanyang mga tips sa pagiging nanay at ang gusting-gusto ng lahat ang kanyang mga recipe sa pagluluto. At kamakailan ay kanyang sinurpresa ang kanyang panganay na anak na si Mae Subong, 23 taong gulang, ng kanyang ‘dream car’. Isang 4X4 Jeep.
Ibinahagi ni Pokwang sa pamamagitan ng isang video post sa Instagram ang reaksyon ng kanyang anak na si Mae Subong nang Makita ang kayang ‘dream car’. At sa kanyang post makikita na hindi mapigilan ng kanyang anaka na si Mae ang pagkatuwa at tawa sa kanyang nakita.
At sa caption ng video ni Pokwang “ Me: Anak ano dream car mo?
“Mae: Jeep 4×4
“Me: ok nak ako bahala wait ka lang ng one week.
“Mae: weeehh???
“O ayan na anak ha lahat gagawin ko matupad lang pangarap mo kasi mahal na mahal kita #Mae’sdreamcarJeep”

Na isa palang prank, talaga namang hindi nauubusan ng surpresa si Pokwang! At ikinatuwa ng mga followers ni pokwang ito sa Instagram at umani ng libo-libong likes at reaksyon. Naging masaya parin naman si Mae, anak ni Pokwang, sa surpresa at prank na ito at sa huli ay napunta kay Malia, ang bunsong anak ni Pokwangat kapatid ni Mae, ang 4X4 Jeep dahil sa sukat nito na parang laruan.

See Also

Isang sumunod na Instagram post ang ibinahagi ni Pokwang kung saan ay makikitang pinupunasan at inaalagaan ang 4X4 Jeep ng kanyang bunsong anak na si Malia.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top