Now Reading
Printed Dress: Perfect OOTD Para Sa Iyong Bakasyon

Printed Dress: Perfect OOTD Para Sa Iyong Bakasyon

Minsan kinakailangan natin magbakasyon, magpahinga, at magkaroon ng break mula sa trabaho o school dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa. At ano pa nga ba ang pinakamahirap na ihanda kundi ang mga damit o OOTDs mo sa araw-araw. Idagdag mo pa ang mga iba’t-ibang sapatos, mga alahas, at kung anu-ano pang gamit na kukumpleto sa iyong itsura, dahil likas na nais natin maging presentable at kaaya-aya ang ating istura para sa mga Instagram-worthy pictures! Kaya naman aming ibabahagi ngayon dito sa SHY ang mga printed na dress ideas at kung bakit ito ang kailangan mo para sa iyong bakasyon. Ang printed dress ay nauuso sa panahon ngayon at maging ang ating mga kinagigiliwang artista ay kinahihiligan ang pagsusuot sa mga ito. Kaya naman narito na ang mga printed dress inspo outfit para sa inyong perfect OOTD at photo-op moment!

Dahil sa eye catching print na hatid ng dress na ito hindi mo na kailangan pang magsuot o magdagdag pa ng kung anu-anong aksesorya. Mamili lang ng nais mong isuot at good to go ka na! Tignan ang ilan sa ating mga paboritong Pinay celebrities sa kanilang printed dress.

Isa sa mga bentahe ng printed dress ay ang pagka-sophisticated at elegante nito. Hindi mo na kailangan pang mag effort sa pag-awra, maglagay ng makapal na makeup o magpalit ng iba pang damit para lang ma-achieve ang sophisticated look.

Versatile — tama! Ang printed dress ay napaka versatile, maari itong iterno sa kahit anong sapatos, flats, heeled shoes, closed shoes at kahit ano pang meron ka. Tiyak na babagay ito sa iyo. Pumili lang ng angkop na sapatos sa iyong damit at tandaan na kailangan alalahanin ang tamang kombinasyon ng mga kulay at syempre ang pagiging komportable nito.

I-achieve ang chic look sa mga breezy printed dress na maaring ipares sa backpacks at cross body bags na nauuso ngayon. Tignan ang ating mga inspo sa outfit na ito.

Siguradong hassle free at photo ready ka sa mga printed dress outfit na ito. Mag-enjoy lang sa iyong bakasyon mga ka-SHY!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top