Pro-Tips Para Sa Iyong Bigger, Fuller, at Bolder Eyes!

| | ,

Ang ating mata ay parte ng ating katawan na nagpapahitawig ng napakaraming emosyon, titigan mol ang sang isang tao sa mata ay makukuha mo na ang kanilang gustong sabihin. Dahil narin sa iba`t-ibang galaw at ekspresyon nito ay mas nagiging makabuluhan ang ipinapahiwatig ng ating mga mata. Kaya naman pagdating sa pagaayos o pagpapaganda nito sa pamamgitan ng makeup ay mas gusto natin na maging mas buhay ito lalo na kung mayroon kang malamlam na mata. Dahil ang pagkakaroon ng mas buhay na itsura ng mata ay hindi lang maganda sa paningin kundi nakakapag bigay ng mas expressive look. Marahil ay isa sa mga naging inspirasyon para sa mas buhay na mata ay ang mga Disney princess, kagaya ni Princess Jasmine, Belle at Ariel na may malalaki at napaka expressive na mata. At dito sa SHY tuturuan naming kayo kung paano magkakaroon ng mas malalaki at buhay na mata.

Syempre huwag kalimutang mag kilay, dahil #KILAYISLIFE!

Kung nais maging buhay ang istura ng mata magsimula sa pagkikilay, siguraduhing isaalang aalang ang tamang paraan, gawing pataas ang storke ng inyong eyebrow brush o pencil upang mas madali itong i-blend at para sa mas natural na look.

Maglagay ng Eyeshadow Primer

Source: Google

Isa sa mga masasabing “needs” sa makeup ang primer, dahil mas napapalabas nito ang totoong kulay ng makeup products at sa eyeshadow ay para kang magsisimula sa isang malinis at magandang canvass. Ito ay para narin sa mas smooth at mas long lasting na eyeshadow.

Tandaan ang D word “Depth”

Source: Google

Sa paglalagay ng eyeshadow at para sa mas buhay at bold na mata, gumamit muna ng light colored shadow sa eyelids at isunod ang darker shade at ilagay ito sa crease ng iyong mata sa taas ng lid ito ay para sa deeper dimension huwag kalimutan na i-blend ito para sa seamless look.

Huwag basta lagay ng lagay ng eyeshadow!

Source: Google

Siguraduhing pumili muna ng atamang kulay ng eyeshadow na babagay sa iyo. Npakaraming shade nito kaya ang tamang shade ay ang susi sa iyong mas buhay na itsura ng mata.

Narito na ang top secret-EYELINER

Source: Google

Para sa bold at buhay na mata, huwag kakalimutang maglagay ng eyeliner. Liquid, gel o pencil eyeliner kahit anung eyeliner basta ikaw ay komportable dito. Gwin ang wing eyeliner o cat eye eyeliner para sa bigger at fuller effect nito sa ating mata. Pro tip! Huwag maglagay ng eyeliner sa waterline, gumamit ng beige na kulay ng eyeliner sa waterline upang mag-pop ang iyong mata!

Lashes Gaming!

Source: Google

Syempre huwag natin kakalimutan ang lashes! Gumamit ng mascara na makakapagbigay ng fuller effect o lagyan muna ng powder ang lashes bago ito lagyan ng mascara para sa mas bright effect!

At syempre ang pinaka huli, ang magic ng HIGHLIGHT

Source: Google

Tandaan na hindi lahat ng parte ng ating mukha ay kailang lagyan ng highlight, pagdating sa mata ang ilalim ng eyebrows at sa tear duct area ang lagyan para sa mas buhay at nagniningning na mata!

Ayan na nga mga ka-SHY, sundin lamang ang mga tips na ito para ma-achieve mon a ang fuller, bigger at bolder eyes! At kung nasubukan mon a nais naming makita ito mga ka-SHY kaya i-share mo na!

Previous

Inilabas na ang “Top 12” na Awitin Mula sa Himig Handog Ngayong 2019

“Walang ibang taong naging dahilan ng break-up” Gerald Anderson breaks his silence about the controversy

Next