Now Reading
Puksain ang Taghiyawat sa Pamamagitan ng Paggamit ng Mga Pimple Patch na Ito

Puksain ang Taghiyawat sa Pamamagitan ng Paggamit ng Mga Pimple Patch na Ito

Ilang taon nang kilala ang taghiyawat o “pimple” bilang isang pangkaraniwang sakit sa balat sa buong mundo. Sa katunayan, halos syamnapung porsyento sa yugto ng buhay ng isang tao ay tiyak na magkakaroon nito. Kapag ang maliliit na “pores” sa ating mga balat ay naging barado dahil sa natural na sebo o “dead skin” na galing mismo sa ating sariling balat, nabubuo ang isang maliit na taghiyawat na maaaring lumaki habang tumatagal kung hindi aagapan. Karaniwan itong nagdudulot ng impeksyon kaya naman nagkakaroon ng pamumula o di kaya’y nana sa loob nito.

Anu-ano ang mga sanhi ng taghiyawat at ano ang lunas dito?

Pagkain, stress, maruming kagamitan at kapaligiran, genetics, at hormones: ilan lamang ito sa mga bagay na nagdudulot ng taghiyawat. Ang masaklap dito ay bukod sa kadalasang may kamahalan ang lunas dito, sagana rin ito sa mga di kanais-nais na “side effects” gaya ng pangangati, panunuyo, at pamumula ng balat. Kaya naman nandito kami sa SHY Philippines para ihatid sa inyo ang isang mabisang solusyon sa taghiyawat – ang pimple patch!

Ano ang pimple patch?

Ang pimple patch ay isang maliit na papel na dinidikit sa taghiyawat upang mawala ito at maiwasan ang pag-peklat nito pagkatapos gumaling. Ang bawat patch ay gawa sa isang manipis na film na may “hydrocolloid”, isang kemikal na humihigop ng tubig at nana mula sa pimple para lumikha ng isang malagkit na tubig o “gel”. Mayroon rin itong sangkap na salicylic acid o tea tree oil para matanggal ang pagbabara sa mga pores ng balat. Bukod rito, papanatiliin rin nitong malinis ang bahagi ng balat na may taghiyawat kaya makaka-asa tayong hindi ito tutubong muli.

ByeBye Pimple Patch ng Mizon (P195)

Ang tatak na Mizon ay nakilala sa bansang Korea at layunin nitong lumikha ng mga produkto na kalidad at abot-kaya. Kilala sila sa paggawa ng mga CC cream, BB cream, at pimple patch. Sa abot-kayang halaga na P195 pesos, ang isang kahon ng ByeBye pimple patch ay may lamang 24 patches na siguradong magtatanggal ng dumi at pamamaga ng iyong taghiyawat.

Happy Skin Beauty Invisible Pimple Patch (P175)

Ang may ari ng sikat na tatak na “Happy Skin” ay sina Jacqe Yuengtian-Gutierrez at Rissa Mananquil Trillo. Ang mga produkto nila ay gawa sa mga natural na sangkap at nakalagay sa mga magagandang lalagyan kaya naman tiyak na matutuwa kang gamitin ito! Ang pimple patch nila ay hindi masyadong halata kapag nakadikit sa mukha kaya tinawag nila itong “invisible patch”. Siksik ito sa sangkap na “Cica” para mabilis na pagtuyo at paggaling ng taghiyawat. Kusa itong natutunaw sa balat kaya naman siguradong matutupok nito ang taghiyawat mo!

Acne Pimple Master Patch ng CORSX (P200)

Ang tatak na CORSX ay nagsimula sa bansang Korea mahigit isang dekada na ang nakalipas. Ang mga produkto nila ay maaaring gamitin ng sinuman dahil aprubado ito sa lahat ng uri ng balat. Ang pimple patch na ito ay nagtatanggal ng pamumula lalong lalo na para sa mga malalalim na taghiyawat. Bukod rito, nagbibigay rin ito ng proteksyon laban sa impelsyon at iniiwasan nitong magkaroon ng peklat sa mukha pagkatapos gumaling ng taghiyawat.

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top