Now Reading
Reversible Clothing Para Sa Fashionable Tipid Tips!

Reversible Clothing Para Sa Fashionable Tipid Tips!

Kung nais mo ng fashion style na hindi kailangang gumastos ng malaki, ang reversible clothing o convertible clothing ang para sa iyo. Teka muna mga ka-SHY. Hindi ibig sabihin ay literal na babaliktarin niyo lang ang inyong damit at okay na. May mga damit o garments na sadyang nakalaan para sa tipo ng style na ito. At dito sa SHY, tuturuan namin kayo kung paano magagamit ang reversible clothing araw-araw at kung paano ito makakatulong sa iyo.

Masasabing pinaka-economical ang trend ng reversible clothing dahil sa isang damit, pwede ka nang magkaroon ng 2 hanggang sa 3 bagong look o dating. Kaya hindi mo na kailangan pang bumili pa ng bagong damit o magdagdag pa ng damit. Di ba ang laking tipid mga ka-SHY? Isa pang magandang naidudulot nito ay ang pagka-versatile ng damit. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa buong maghapon at meron kang girls nightout pagkatapos ng trabaho baliktarin lang ang damit o itali ito at siguradong mag-iiba na ang iyong look upang maging handang-handa ka para sa iyong party!

At syempre alam naming na kailangan din ng para sa mga pormal na okasyon, tignan ang mga larawan para sa ideya ng reversible outfit.

Siguradong walang makakapagsabi na ang damit na iyong suot ay iisa lang dahil sa reversible na istilo nito. Maari ring i-mix and match ang reversible outfit sa iyong ibang damit, depende sa okasyon o pupuntahan. At ayan na nga mga ka-SHY, siguradong makakatipid at matretrending din ang iyong look sa mga reversible clothing na ito!

© 2019 SHY. All Rights Reserved.

Scroll To Top